Toni umaming hindi rin perfect ang pagsasama nila ni Paul: Parang cooking lang yan…
TULAD ng karamihan sa mga mag-asawa, aminado si Toni Gonzaga na hindi rin perpekto ang relasyon ng direktor at producer na si Paul Soriano.
Nagkuwento ng ilang detalye ang Kapamilya actress-TV host tungkol sa ilang taon nang pagsasama ni Direk Paul at kung paano sila pinagtitibay ng mga pagsubok sa buhay.
“Hindi rin naman perfect ang relationship. Pero together, after overcoming every struggle, parang nape-perfect through time. Parang cooking lang yan,” pahayag ni Toni nang mag-guest sa vlog ni Vicki Belo.
Habang isine-share nga ng aktres ang kanyang personal recipe sa paggawa ng paboritong friend chicken ng anak niyang si Seve, naikuwento niya ang mga kaganapan noong bagong kasal pa lang sila ni Paul.
“Eh, kasi matagal na yun naghintay so parang gigil na rin siya. Ha-hahaha! Parang na-excite na rin siya nu’n. Ako naman, alam mo yung nine-nerbiyos ka dun sa bagong chapter ng buhay mo.
“Hindi mo alam how you will do. So natatakot ako na excited ako na masaya. Pero parang kinakabahan. Kasi first time kong aalis sa bahay namin.
“I remember kapag uuwi ako sa Taytay, pababa yun eh, sa Tiendesitas. If you’re going home na to Taytay didiretso ka through yung crosswalk. I remember lumiko na ako sa right nu’n pa-south na.
“Naiyak ako nu’ng una kong uwi. Ano yun, PBB, after Eviction Night, una kong uwi na umuwi ako as may asawa, umiyak ako. Kasi for 30 years ng buhay ko, du’n ako umuuwi sa lane na yun, tapos lumiko ako. Kasi it didn’t feel like home yet,” lahad ni Toni.
Habang nag-a-adjust sa buhay may-asawa noong 2015, nabanggit ni Toni ang “biggest surprise” sa pagtalikod niya sa pagiging single, “Du’n ako na-surprise. Pero ang ganda pala kapag nagsa-submit ka sa husband mo. Kasi that was really how it was. That’s the order.
“Yun ang order talaga na ginawa sa male at female, for the female to submit to the guy because nagkakaroon ng harmony. That’s how you honor him as your husband,” paliwanag ng TV host.
Noong 2016 naman nang ipanganak na niya si Seve, natuto rin si Toni na tumanggi sa mga ino-offer sa kanya na mga projects, “I was able to let go. I was able to say no. That was the point in my life na I realized, I read this book by Sheri (Salata), she was the president or the CEO of Harpo Studios, kanang kamay ni Oprah Winfrey, she wrote a book the title is A Beautiful No.
“There’s beauty in saying no. You have to make your yes valuable. You cannot give your yes to a lot of people because it will not have value anymore.
“If yes ka ng yes sa lahat ng tao, then you’re giving your yes way too much. Wala na siyang value. My thinking before was, opportunity only knocks once. So bakit ako tatanggi?
“Pero minsan darating ka pala sa point in your life where no means saying yes to yourself, parang ganun. Saying no to them is actually saying yes to yourself,” magandang paliwanag pa ni Toni Gonzaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.