Apo ni Osang handa nang sumabak sa showbiz: I want to be like my lola! | Bandera

Apo ni Osang handa nang sumabak sa showbiz: I want to be like my lola!

Armin P. Adina - March 26, 2021 - 12:36 PM

Nais sundan ni Leone Alonzo Adriano ang yapak ng lolang si Rosanna Roces./ARMIN P. ADINA

SASABAK na rin sa mundo ng showbiz ang apo ni Rosanna Roces na si Leone Alonzo Adriano.

Sinabi pa nga nitong, “I want to be like my lola.”

Humarap si Leone sa ilang piling manunulat kamakailan sa Quezon City bilang isa sa mga artista ng bagong talent agency na Dragon Talent and Management.

“Since kid pa lang po ako gusto ko nang pumasok sa showbiz,” ani Adriano, panganay na anak ng bunso ni Roces na si Onyok.

Maagang namulat sa industriya si Adriano sapagkat noong bata pa lang siya, dinadala na siya ng kanyang lola sa mga taping o shooting.
At ngayong siya naman ang sasabak sa harap ng camera, pinayuhan ang bata ng lola niya na, “huwag gagayahin ang iba, gumawa ng sariling pangalan.”

Nais niyang pasukin ang showbiz upang gayahin ang lola, at “help my family.”

Pagpapatuloy pa ni Adriano, “I want to give back po, sa pag-aalaga sa akin.”

Napansin na ng talent manager at entertainment columnist na si Lolit Solis si Adriano, at sinabihan siyang ipakikilala sa pamunuan ng GMA Artist Center para sa co-management.

Sinabi rin ni Solis na ipakikilala rin niya sa mga boss ng Kapuso network ang kapwa Dragon artist ni Adrinano na si Shira Tweg.

Nais maging isang singer-actress ng Israeli-Filipino na si Shira Tweg./ARMIN P. ADINA

Mahilig umawit ang Israeli-Filipino na si Tweg, ngunit nais din niyang subukan ang pag-arte, at gumanap sa mabibigat na papel katulad ng sa idolo niyang si Andrea Brillantes.

Ngunit nag-aaral pa rin sina Adriano at Tweg, at kailangang pagsabayin ang mga hamon ng pag-aaral sa “new normal” at ang bigat ng trabaho sa showbiz.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Grade 7 ngayon sa College of San Benildo sa Cainta, Rizal, si Adrinao, habang Grade 8 naman sa Good Shepherd Christian School sa Mandaluyong City si Tweg.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending