Sharon atat nang magkaapo: Kahit magpa-surrogate na lang si Kayce masaya na ako basta eggs n'ya!" | Bandera

Sharon atat nang magkaapo: Kahit magpa-surrogate na lang si Kayce masaya na ako basta eggs n’ya!"

Ervin Santiago |March 26,2021
facebook
share this

Sharon atat nang magkaapo: Kahit magpa-surrogate na lang si Kayce masaya na ako basta eggs n’ya!"

Ervin Santiago - March 26, 2021 - 09:53 AM

ATAT na atat na atat na talaga ang Megastar na si Sharon Cuneta na magkaroon ng apo sa panganay niyang anak na si KC Concepcion.

Muling ibinandera ni Shawie ang panawagan niya kay KC na sana’y magkaroon na rin ito ng sariling anak kahit wala nang asawa.

Sinagot ni Mega ang isang comment ng netizen sa kanyang Instagram post, kung saan ibinahagi niya ang “family photo” nila ni KC at ng ex-husband na si Gabby Concepcion.

Caption ni Sharon sa nasabing IG post, “This girl is the very best ‘thing’ we ever did together. (heart, praying hands and smiling face emoji)  @itskcconcepcion. Right, Papi?” May hashtag pa itong #oncewewerefamily at naka-tag din si Gabby.

Komento nga ng isang netizen, sana raw ay magkaroon na ng sariling pamilya si KC at magka-baby na rin.

Sagot naman ni Sharon sa netizen, “Inip na inip na nga ako! Kahit magpa-surrogate na lang si Kayce masaya na ako basta eggs n’ya!”

Ngayong darating na April, ipagdiriwang na ni KC ang kanyang 36th birthday kaya naman talagang humihirit na ng apo sa kanya si Sharon. Sa mga nakaraang panayam kay Mega, lagi nitong sinasabi na gusto na talaga niyang magkaapo.

“I’ve been ready for a long time. She’s the one that’s not because I like babies. I can’t wait! I had a baby early. It has its pluses and minuses. But one of the pluses is getting to grow up with your kid.

“I was 19 when I had her. Para hindi masyadong malayo ‘yung generation gap. And now, I think it’s cool to be a lola before you hit 60,” aniya pa.

Pero nilinaw ng singer-actress na ayaw naman niyang madaliin si KC na magpakasal hangga’t hindi nito natatagpuan ang “the one.”

“Ultimately, you just want your kids to be happy in the right way. Huwag naman sa adik. At saka sana papakainin siya. Hindi naman kailangan mayaman na mayaman, pero responsible, ‘yung aalagaan lang siya. That’s all you want. You just make sure that they grow up happy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“She had her share of emotional battles. So, I trust in her experience… But I tell her, ‘Anak, you know what, I just have to trust in the way I raised you because you have to take responsibility for your decisions also.’ Now, I think she has her share of pains, so she would know better,” ang mensahe pa noon ni Mega kay KC.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending