Pagpapabakuna ni Mark Anthony ng anti-COVID binatikos, may nilabag nga bang batas? | Bandera

Pagpapabakuna ni Mark Anthony ng anti-COVID binatikos, may nilabag nga bang batas?

Ervin Santiago - March 25, 2021 - 07:58 PM

HINIHINTAY ngayon ng publiko ang magiging depensa ni Mark Anthony Fernandez sa lahat ng bumabatikos sa pagtanggap niya ng bakuna  kontra COVID-19.

Umani ng samu’t saring reaksyon ang pagpapabakuna ng aktor mula sa iba’t ibang sektor na karamihan ay kumukuwestiyon kung bakit nauna pa siyang naturukan sa ilang healthworkers at frontliners.

Tanong ng madlang pipol, bakit pinayagan siyang makatanggap ng AstraZeneca vaccine gayung wala naman daw ito sa priority list ng gobyerno.

Paano raw napasama si Mark Anthony sa mga naturukan ng anti-COVID-19 vaccine samantalang mas marami pang dapat mauna sa kanya. May palakasan bang nangyari sa sistema?

Nagpaliwanag naman ang alkalde ng Parañaque City na si Edwin Olivarez tungkol dito at ipinagtanggol ang aktor.

Aniya may “comorbidities” daw si Mark na isa sa naging basehan para mapasama sa listahan ng mga “eligible” na mabakunahan kasunod ng medical frontliners at senior citizens.

“Kinausap ko po ‘yung ating city health office Dr. Olga Virtusio regarding the issue of Mark Anthony Fernandez and according to her ‘yung tumingin sa kanyang doktor, siya ay may comorbidities.
“At alam naman po nating nagkaroon ng depression si Mark, ibig sabihin niyan he’s qualified as the next priority after frontliners,” sabi ng alkalde sa panayam ng ANC.

Aniya pa, kasama sa priority ng kanilang siyudad na mabakunahan ang mga may cormobidities alinsunod sa priority list na nakabase sa Interim National Immunization Technical Advisory Group (NITAG).

Diin pa ng mayor ng Parañaque, kailangang magamit na agad-agad ang bakuna kesa masayang ito.

Sa isang panayam sinabi ni Mark Anthony na wala siyang health condition ngayon kaya wala rin siyang kailangang inumin na mga maintenance medicine.

Aniya, ang tanging iniinon niya ay vitamin C. Normal din daw ang kanyang blood pressure at blood sugar.

Samantala, pinagpapaliwanag naman ni Department of Interior and Local Government Undersecretary Epimaco Densing III ang pagpayag ng local government ng Parañaque sa pagbibigay ng bakuna kay Mark.

Hati rin ang saloobin ng mga netizens sa isyu, may mga nagsasabing wala silang nakikitang masama sa pagtanggap ng bakuna ni Mark pero marami rin ang nagrereklamo at nagkomento na ngayon pa lang daw ay may palakasan system nang umiiral sa pagbibigay ng anti-COVID-19 vaccine.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas ang BANDERA sa magiging paliwanag ni Mark hinggil sa kontrobersyang ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending