Sharon nakiusap sa Diyos: Hindi ko na kaya, Tita Fanny is now on life support... | Bandera

Sharon nakiusap sa Diyos: Hindi ko na kaya, Tita Fanny is now on life support…

Ervin Santiago |March 24,2021
facebook
share this

Sharon nakiusap sa Diyos: Hindi ko na kaya, Tita Fanny is now on life support…

Ervin Santiago - March 24, 2021 - 10:57 PM

NAGBIGAY na ng update si Megastar Sharon Cuneta tungkol sa health condition ng kanyang kaibigan na si Fanny Serrano.

Ayon kay Mega, ang bigat-bigat ngayon ng pakiramdam niya matapos malaman na naka-life support na ang veteran stylist at make-up artist sa isang ospital.

Nito lang nagdaang March 16 ay umiiyak na ibinalita ng singer-actress ang tungkol sa pinagdaanang “massive stroke” ni Fanny sa pamamagitan ng isang video clip na ipinost niya sa Instagram.

At ngayong araw nga, March 24, ay muli siyang nag-post sa IG na kritikal pa rin ang kundisyon ng kanyang kaibigan at nanay-nanayan sa showbiz.

Narito ang bahagi ng Instagram post ni Sharon, “HINDI KO NA KAYA. Tita Fanny is now on life support… meaning, without all the machines connected to him, he would no longer be able to breathe on his own…

“I do not know what to do with myself… TF, I promised you years ago that I would take care of you until the end. But THIS IS NOT the end I want for you.

“I know it’s all God’s call and His decision, but I wish you weren’t in this situation.

“I truly have no words to say… there are just no words to say… there are just no words for how painful this is for me and the others who love you,” pahayag pa ni Mega.

Aniya pa, “Bakit naman ni hindi tayo puede magkita ngayon pa? Puede mo ba ako hintayin na mayakap at mahalikan at ipaalala sayo gaano kita kamahal?

“Para na kitang Nanay… I love you so much…Bakit naman right after Rocky’s passing ikaw naman ang nasa peligro ngayon?” lahad pa ng aktres na ang tinutukoy na Rocky ay ang international designer na si Rocky Gathercole, na isa ring certified Sharonian.

Mensahe pa ni Mega, “Bakit ba yung mga pinakamahal ko o tumatak sa puso ko, kayo ang umiiwan sa akin in these past couple of years lang?

“PAGOD NA PAGOD NA AKONG NAWAWALAN NG MAHAL SA BUHAY. Huwag muna po sana, Lord…” dasal pa ng singer-actress.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bumuhos naman ang mensahe mula sa mga kaibigang celebrities ni Mega na nangakong sasamahan siya sa pagdarasal para sa paggaling ni Fanny, kabilang na sina Judy Ann Santos, Zsa Zsa Padilla, Carmina Villaroel, Jed Madela at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending