Hirit ni Oyo sa bagong baby boy nila ni Tintin: So paano na Lord, ibig ba sabihin may kasunod pa ito? | Bandera

Hirit ni Oyo sa bagong baby boy nila ni Tintin: So paano na Lord, ibig ba sabihin may kasunod pa ito?

Ervin Santiago |March 24,2021
facebook
share this

Hirit ni Oyo sa bagong baby boy nila ni Tintin: So paano na Lord, ibig ba sabihin may kasunod pa ito?

Ervin Santiago - March 24, 2021 - 03:11 PM

HINDI pa rin dinidinig ng Diyos ang dasal ng pamilya nina Kristine Hermosa at Oyo Sotto na magkaroon sila ng isa pang baby girl.

Ngunit sa kabila nito, super thankful pa rin ang celebrity couple sa pagdating ng bagong blessing sa buhay nila — ito nga ang baby boy ipinagbubuntis ngayon ni Kristine.

Aminado naman sina Tintin at Oyo na ang hiling ng kanilang mga anak lalo na ang only girl nilang si Ondrea Bilss o Dre ay magkaroon pa sila ng kapatid na babae.

Una nang kinumpirma ni Oyo na baby boy ang dinadala ngayon ng kanyang asawa, ang ikalima na nilang anak.

Sa kanya namang Instagram account, ibinahagi ni Tintin ang sonogram ng baby nila at sinabing always grateful siya for every blessing na dumarating sa buhay nila, lalo na ang pagkakaroon ng isa na namang “heathy and normal baby boy.”

Sabi pa ng hindi na gaanong aktibong aktres, “Hindi pa man nasasagot ang baby girl na dasal ni Dre, madami pa din nasagot si God sa mga dasal namin at kahit pa ‘yung mga bagay na hindi namin ipinagdasal.

“He always has His reasons and His perfect time. Napakabuti mo, Lord,” sabi pa niya sa caption.

Mensahe naman ni Kristine sa nag-iisang anak na babae, “So Dre, continue praying and believing that one day God will answer your prayer…

“Pero kung hindi man mapagbigyan, I’m sure God will give you all that you need to embrace being the only baby girl in the family,” sabi pa ng misis ni Oyo.

Para naman kay Oyo, okay lang kung girl pa rin ang susunod nilang anak ni Tintin pero sabi niya sa kanyang social media post, “So paano na Lord? Ibig ba sabihin may kasunod pa ito?”

Bukod kay Ondrea, ang tatlong lalaking anak nina Tintin at Oyo ay sina Kristian Daniel, Marvic Valentin Sotto II at Kaleb Hanns.

Noong December, 2020 ibinandera ng mag-asawa ang pagkakaroon ng bagong member ng pamilya, “Nag-POSITIVE!!! Positive na mapapahiyaw ka sa tuwa! Grabe ka Lord!

“Salamat Lord Jesus! Napaka-faithful mo kahit kailan. God is truly amazing. Ibang klase ang mga sopresa mo. Best Christmas gift ever,” pahayag ni Oyo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sey naman ni Tintin, “Another answered prayer. Salamat God sa mga pahabol na sorpresa ngayong taon. Thank you Lord for sustaining us this entire year, pati rin sa mga nakaraang taon at sa buong buhay namin at ng mga anak namin. You are faithful God.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending