#CoupleGoals: Coco, Julia magkasamang nagbakasyon sa Bora | Bandera

#CoupleGoals: Coco, Julia magkasamang nagbakasyon sa Bora

Reggee Bonoan |March 22,2021
facebook
share this

#CoupleGoals: Coco, Julia magkasamang nagbakasyon sa Bora

Reggee Bonoan - March 22, 2021 - 12:56 PM

MAPILITAN na kayang umamin sina Coco Martin at Julia Montes sa tunay na estado ng kanilang relasyon ngayong kalat na ang mga larawang magkasama sila sa airport patungong Boracay?

Base sa apat na larawang nakita namin sa social media, ang una ay nasa counter si Julia at nasa likod naman niya si Coco na hawak ang pambabaeng tote bag.

Sa ikalawang litrato ay makikita namang papasok sila sa isang bahagi ng airport, nauuna ang aktor na dala ang kanilang maleta at kasunod naman niya ang aktres.

Sa ikatlong photo naman ay nakapila ang rumored couple sa airport body scanner at ang pang-apat ay papunta na sila ng tarmac at tsine-tsek ang kanilang plane ticket.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay sumagi sa isipan namin na baka hindi naman sina Coco at Julia ang nakunan sa mga larawan dahil hindi naman kita ang kanilang mga mukha.

Wala ring pagkakakilanlan ang dalawa sa mga naglabasang litrato pero sa kabilang banda kung hindi sila mga celebrity ay bakit ganu’n na lang kung takpan nila ang kanilang mga mukha na halatang may itinatago.

Parehong naka-white polo ang dalawang nasa mga litrato, naka-peach pants ang dalaga at naka-black naman ang binata.

Naka-brown fashion vintage hat si Julia at black naman si Coco na may suot pang matching slippers.

Napansin din namin na pareho sila ng suot na black facemask at transparent face shield.

Matatandaang maraming larawang na-post sa kanilang Instagram account at IG stories ang dalawa na magkapareho ang background kaya iisa ang sapantaha ng publiko, magkasama na sa iisang bahay sina Coco at Julia.

Walang pag-amin o pagtangging sagot mula sa dalawa tungkol dito, marahil ang nasa isip nila at nais sabihin sa publiko ay, “what you see is what you get.”

At sa mga larawang nasa Boracay sila ay kailangan pa ba natin ng sagot?

Hindi naman na heartthrob o matinee idol si Coco kaya bakit hindi pa siya maging open sa lovelife niya? Wala rin namang ka-loveteam ngayon si Julia kaya ano pa ang pumipigil sa kanila para aminin ang dapat aminin?

Tutal naman sa panayam kay Julia ng asawa ni Dimples Romana na si Boyet sa vlog nito ay panay ang buska sa kanya tungkol sa lovelife niya.

Anyway ang mga larawang kuha ay ipinost ni @juliam.glow na may caption na, “Coco and Julia spotted in Boracay! This made my heart jump in joy and happiness. Enjoy your vacation our dearest Cocojul (emoji heart).”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang huli naming nasagap na balita, birthday vacation pala ni Julia ang pagpunta sa Bora at kasama nga raw si Coco.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending