Religious, mass gatherings nilimitahan ng pamahalaan
Muling naghigpit ang pamahalaan sa mga religious at iba pang uri ng mass gatherings sa bansa.
Ito ay dahil sa patuloy na tumataas ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, napagkasunduan ng Inter-Agency Task Force na ibalik sa 30 percent na lamang ang capacity sa mga religious gatherings.
“Ang mga religious gatherings ay kailangan mag-observe ng maximum 30 percent ng venue capacity ng walang pagtutol o objection mula sa lokal na pamahalaan. Binibigyan discretion din ang mga lokal na pamahalaan na taasan ang venue capacity ng hindi lalampas ng 50 percent base sa mga kondisyon sa kanilang mga lugar,” pahayag ni Roque.
Ipatutupad ang bagong polisiya sa mga lugar na nasa general community quarantine. Magiging epektibo ito simula sa Abril 4.
Sinususpendi rin ang operason ng driving schools, traditional cinemas, videos at interactive game arcades, mg silid aklatan o libraries, archives, museums at cultural events, limited social events at sa mga accredited establishments na inaprubahan ng Department of Tourism at limited tourist attractions maliban na lamang sa mga open-air tourist attractions.
Limitado na rin sa 30 percent venue capacity ang mga meeting, incentives, conferences at exhibitions events at iba pang essential business gatherings.
Binabawasan din ang venue capacity sa mga dine-in restaurants, cafes, personal care services sa maximum na 50 percent capacity.
Hinihiyakat ang mga ahensya ng pambansang pamahalaan na ipagpaliban muna ang non-critical activities kung saan magkakaroon ng mga pagpupulong-pulong or mass gatherings.
Sinusupinde rin aniya ang mga operasyon ng sabong at sabungan. Kasama sa suspensyon ang mga lugar sa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.