GMRC para sa UP, PUP | Bandera

GMRC para sa UP, PUP

- March 26, 2010 - 12:41 PM

Lito Bautista, Executive Editor

BASTOS, walang modo at brutal na ang mga estudyante ngayon sa University of the Philippines at Polytechnic University of the Philippines.  Dahil wala silang subject na Good Manners and Right Conduct.  Noong dekada ’60, kapag magulo sa klase at paaralan ang estudyante, ibinabagsak siya sa GMRC.  Kaya hindi siya makapagtatapos, kahit ipasa pa niya ang iba pang subject.  Matitino at disiplinado ang mga estudyante noon. May paggalang sa mga guro.  May takot sa mga guro.  Kahit na noong inokupa ng mga Maoist students ang UP Diliman campus, walang gurong sinaktan.  Walang opisyal ng unibersidad ang sinaktan.  Iba na ang mga estudyante ng UP at PUP ngayon.  Marahas na sila.  Kapag marahas ang estudyanteng, maraming artikulo at section sa Revised Penal Code ang magagamit para lamang papanagutin ang mga ito.  Inirekomenda ang tig-P100,000 piyansa para sa limang estudyante ng PUP na kinasuhan ng robbery dahil kinuha nila ang mga silya sa silid at inilabas nang walang pahintulot saka sinilaban.  Kailangang gumulong ang hustisya.

Bandera, 032610

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending