Derek nalulungkot na mas nagenjoy ngayon ang mga tao sa kanegahan | Bandera

Derek nalulungkot na mas nagenjoy ngayon ang mga tao sa kanegahan

Ervin Santiago - March 18, 2021 - 09:36 AM

HINDI man aminin ng Kapuso hunk actor na si Derek Ramsay, siguradong naaapektuhan na rin siya sa patuloy na pamba-bash at pangnenega ng mga netizens sa relasyon nila ni Ellen Adarna.

Isang makahulugang mensahe ang ipinost niya sa kanyang Instagram account na pinaniniwalaang para sa lahat ng walang sawang bumabatikos sa kanya at sa karelasyon niyang si Ellen.

Mula kasi nang ibandera nila ng dating sexy star ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa, hindi na natigil ang pagkalat ng hate message laban sa kanila, partikular na ang mga banat ng fans ng ex dyowa ni Derek na si Andrea Torres.

May mga nagtatanggol naman sa magkasintahan at nagsasabing huwag na nilang patulan ang mga nega sa social media at ipaglaban ang kanilang pagmamahaln.

Sa kanyang Instagram page, ipinost ng aktor ang mensaheng, “I used to rush to defend myself against false accusations but now I watch to see who believes it, so I know who to cut off first.”

Maraming nag-like at nag-comment sa hugot ng Kapuso hunk at ilan sa kanila ay sumasang-ayon sa nasabing quote, isa na nga riyan ang kaibigan niyang si Vina Morales.

“Best (laughing emoji) wag patulan. Hahaha (kiss heart emoji).”

Reply ni Derek sa aktres, “Not making patol Best. This is how life should be (in) this toxic world. It’s sad that people focus on negativity to the point that it’s what makes them happy.”

Marespeto ring sinagot ng aktor ang reaksyon ng ilan niyang followers tulad na lang ng isang netizen na nagsabing, “@ramsayderek07 real world, real people.. always expect the worse from everyone. Nonetheless, it’s your life, it’s your journey, and it’s your way…Bilisan nyo at magpadami nga gwapo at magaganda.”

Tugon ni Derek, “I respect your opinion but if we expect the worse from people then this world would be worth living in. I want to believe in people.”

Nag-reply din ito sa kanya ng, “@ramsayderek07 ‘expect the worse’ kasi hindi lahat ay agree sa choices that you make.

“Kung pare-pareho lahat tayo ng mentalidad, what a wonderful world na sana di ba? Okay sana kung masaya na lang ang lahat if they see you happy but baliktad ang nangyayari. So frustrating.”

Comment naman ng isa pa niyang IG follower, “Not being a basher. But you can’t blame other people kasi kaka break up nio lang ni Andrea 1 or 2 months kayo na ni Ellen? More than 1 year din kayo ni Andrea ganon lang kabilis mag move on? Lol.

“Popular kang tao natural lang na may sasabihin sila about sa bago mong relationship ngayon. But you know, as long as masaya kayo yun naman ang importante,” sabi pa nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ito naman ang sagot sa kanya ni Derek, “True!!!! I think you’ll agree that you people can express their opinion in a decent and proper manner just like you did. Tnx for your opinion (smiling face with heart-eyes emoji).”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending