Angeline nagluluksa pa rin sa pagpanaw ng ina, pero nakatagpo ng mga bagong 'nanay' | Bandera

Angeline nagluluksa pa rin sa pagpanaw ng ina, pero nakatagpo ng mga bagong ‘nanay’

Ervin Santiago - March 16, 2021 - 11:56 AM

HANGGANG ngayon ay ipinagluluksa pa rin ni Angeline Quinto ang pagkamatay ng kanyang inang si Mama Bob.

Hindi raw pala talaga ganu’n kadali ang tanggapin sa kanyang isip at puso na wala na ang taong pinakamamahal at pinagkakautangan niya ng loob na nagbigay sa kanya ng unconditional love.

Kagabi sa virtual mediacon ng bagong inspirational drama series ng ABS-CBN na “Huwag Kang Mangamba”, inamin ng singer-actress na sa kabila ng mga pagsubok na dumating sa kanya ay patuloy pa rin siyang nagpapakatatag para na rin kay Mama Bob.

“Hindi po ganu’n kadali. Talagang napakahirap pero si Mama Bob kasi, siya talaga yung nagturo sa akin bata pa lang ako na lagi kang magtiwala sa itaas.

“Na kahit anong dumating sa buhay namin, nakita ko rin kasi sa kanya yun na kasi, di ba, si Mama Bob lang yung nagpalaki sa akin mag-isa?

“So kahit gaano kahirap yung buhay namin dati, kung ano man yung nakita ko na talagang nahirapan si mama kahit mag-isa siya, nakaya niya yun kasi sobra yung tiwala niya sa itaas.

“So ngayon na wala na ang mama, yun talaga yung lagi kong binabaon kahit siguro sa darating pang panahon, kung anuman yung kakaharapin ko pa na pagsubok or problema na mangyayari sa buhay ko. Yun lang yung lagi kong maaalala, na huwag ako mawawalan ng tiwala sa Itaas,” tuluy-tuloy na pahayag ni Angeline na muli ngang mapapasabak sa aktingan sa pamamagitan ng “Huwag Kang Mangamba.”

Bukod sa pagkanta sa theme song ng nasabing Kapamilya series, isa rin siya sa mga bibida rito kasama sina Sylvia Sanchez, Eula Valdes, Nonie Buencamino, Diether Ocampo at Dominic Ochoa.

Makakasama rin nila rito ang phenomenal Kapamilya Gold Squad na kinabibilangan nina Andrea Brillantes, Seth Fedelin, Kyle Echarri at Francine Diaz.

“Nu’ng una ang talagang pangamba ko baka hindi ko magawa ng maayos dahil nga sa pinanggalingan ko nu’ng November dahil nga nawala ang Mama Bob.

“So feeling ko baka hindi pa ako ready na magtrabaho ulit. Tapos yung role ko pa dito bilang si Darling, parang hindi siya nalalayo kay Angeline eh, na talagang bubbly, masayahin, nakakatuwa. Pero dahil sa mga katrabaho ko na hindi ako nahirapan pakisamahan sila,” pahayag pa ni Angeline.

Samantala, nabanggit din ng tinaguriang Queen of Teleserye Theme Song na malaki ang naitulong sa kanya ng lock-in taping hindi lang sa aspeto ng pag-arte.

“Ako ay talagang nagpapasalamat kasi sobra yung trabaho na dumarating sa akin na siguro ay tinutulungan din ako ng mama ko na hindi ako laging nasa bahay lang.

“Kasi alam niya na baka ano na lang yung mangyari sa akin, magmukmok ako everyday. Kasi araw-araw na nangyayari sa buhay ko laging may kulang na.

“Kahit yung first time ko na makatrabaho dito sa Huwag Kang Mangamba parang niyakap nila ako agad bilang parang kapamilya at katrabaho.

“So malaking bagay sa akin yun at sobrang thankful ako dahil bukod sa pagtatrabaho namin sa lock-in taping, sobrang saya lang nu’ng pagsasama nu’ng bawat isa.

“Nakakapag-open ako kay tita Sylvia at kay tita Eula. Na parang hindi ako nahihiya sa kanila na makipagkuwentuhan at sa ibang mga cast pa. Sobrang thankful at grateful talaga ako,” lahad pa ni Angeline.

Pamilya na raw talaga ang turingan nila sa taping ng “Huwag Kang Mangamba”, “Tapos mas bumalik yung pagiging masigla ko kasi akala ko nung una baka hindi ko kayanin. Pero sobrang saya ko na nasama ako dito sa cast ng Huwag Kang Mangamba kasi masa marami akong natututunan lalo sa pag-arte bilang si Darling na kasama dito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kahit wala ang Mama Bob, ang daming pumalit na nanay so natutuwa ako. Si Enchong (Dee) parang kapatid ko tapos yung Gold Squad parang mas nakakabatang kapatid,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending