Yasser Marta mas minahal ng LGBTQ community; Alex Diaz enjoy na enjoy bilang 'sirena' | Bandera

Yasser Marta mas minahal ng LGBTQ community; Alex Diaz enjoy na enjoy bilang ‘sirena’

Ervin Santiago |March 16,2021
facebook
share this

Yasser Marta mas minahal ng LGBTQ community; Alex Diaz enjoy na enjoy bilang ‘sirena’

Ervin Santiago - March 16, 2021 - 09:41 AM

MALA-FAIRY tale ang kilig na ipinamalas nina Yasser Marta at Alex Diaz sa first part ng latest story na tampok sa “My Fantastic Pag-ibig” ng GTV last Saturday.

Pinamagatang “Fairy Tail Romance,” kuwento ito tungkol sa pag-iibigan ng isang sireno at isang mortal. Si Alex ay gumaganap bilang si Lantis, isang sireno, habang si Yasser naman ay si Nep, ang lalaking bumighani sa puso ni Lantis.

Balita namin, talagang tinutukan ng manonood ang kakaibang pairing na ito sa TV. Suportado rin ito ng mga miyembro ng LGTBTQ+ community kaya naman humataw ito nang husto sa ratings game.

Ayon pa sa mga Kapuso viewers, mas dumami pa ang fans ni Yasser dahil sa nasabing programa dahil sa pagpayag nito na bumida sa isang gay-themed project kahit na kabilang na siya sa mga promising leading man ng GMA 7.

Request pa nga ng viewers, sana raw ay pahabain pa ito at gawin nang full-length series, “Nakakabitin naman, sana paabutin nalang hanggang episode 10,” komento ng isang netizen.

Marami rin ang pumuri sa mahusay na pagganap nina Yasser at Alex, “Eto ‘yung super rare na maipalabas sa Philippine TV eh, kudos sa team na lakas loob na gumawa nito. And they chose the perfect cast!” say ng isa pang viewer.

Samantala, puring-puri rin ng production ang professionalism ng dalawang aktor dahil talagang game na game sila kahit sa mga intimate scenes.

Sabi nga ni Alex, bilib siya sa tapang ni Yasser dahil kahit itinuturing na siyang matinee idol sa GMA ay pumayag itong magbida sa isang BL o Boys’ Love mini-series.

“For Yasser, I really commend his ability to make me comfortable on set. Ramdam mo lang sa kanya na sobrang wala siyang bias, wala siyang awkwardness. As in professional talaga siya magtrabaho,” ani Alex na proud member ng LGBTQ+ at umaming enjoy na enjoy siya sa pagganap bilang “mermaid.”

Sabi naman ni Yasser, “Napaka-open lang talaga kasi namin ni Alex. Parang kahit magyakapan pa kami sa eksena.

“Tapos, may mga eksena pa dun na binubuhat niya ako sumasayaw kami at gumugulung-gulong sa beach. Pero para sa akin, wala ‘yung ilang, wala ‘yung wall.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Abangan ang ikalawa at huling episode ng “My Fantastic Pag-ibig: Fairy Tail Romance” sa Sabado, March 20, sa GTV.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending