Frankie kontra nga ba sa pagbibida ni Mega sa ‘Revirginized’?
Ikinokonek kasi ngayon ng mga netizens ang ilang tweet ng dalaga tungkol sa pagganap ni Shawie bilang MILF (Mother I’d Like to F**k) sa nasabing movie na ididirek ng controversial director na si Darryl Yap.
Si Darryl din ang nagdirek ng isa pang kontrobersyal na pelikula, ang “Tililing” nina Baron Geisler at Gina Pareño na naging national issue pa dahil sa poster na ginamit nila para sa promo ng movie.
Hugot ni Frankie sa una niyang tweet, “When will we have enough women getting ripped apart for entertainment?”
Ang paniwala ng ilang nakabasa nito, hindi pabor ang dalaga sa bagong project ng kanyang ina kung saan katambal nga nito ang hunk actor na si Marco Gumabao.
Isang netizen ang nag-react sa sinabi ni Frankie at ni-retweet pa ang post ng dalaga. Comment nito, “If we’ll stop supporting and giving platforms to guys like Darryl Yap. Oooops. *sips tea.”
Sinagot naman ito ng anak nina Sharon at Sen. Kiko Pangilinan at sinabing hindi niya kontrolado ang buhay ng kanyang mga kapamilya, lalo na sa mga aksyon at desisyon ng mga ito.
“Why do y’all think I have control over people around me for real.
“For the last time, I have no control over the things that members of my family do or opportunities they’re given. (crying emoji).
“Like I wish I did??? I’m just as frustrated??? But don’t pretend you’re able to do the same with your people too come on,” ang sunud-sunod na tweet ni Frankie.
Hirit pa niya sa huli, “I’ll always have a conversation and I’ll always make my thoughts known ha but that’s about as far as it goes, I can’t change minds or manipulate anybody that’s not my style so please do not hold me accountable.”
Kamakailan, ibinalita nga ni Mega na nagbalik na siya sa Viva at excited na siyang gawin ang “Revirginized”.
“The title is shocking but I liked the story and I’d like to assure my fans that I am accepting the project because I am portraying something I haven’t done before,” sey ni Sharon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.