3 kilalang male celeb na naging 'ka-close' ni Allan K nabuking nina Boobay at Tekla | Bandera

3 kilalang male celeb na naging ‘ka-close’ ni Allan K nabuking nina Boobay at Tekla

Ervin Santiago - March 10, 2021 - 09:34 AM

HANGGANG ngayon ay hinuhulaan pa rin ng netizens kung sinu-sino ang tatlong male celebrity na naging “super close” noon kay Allan K.

Sa nakaraang episode ng weekly Kapuso comedy program na “The Boobay and Tekla Show” si Allan K ang naging special guest kung saan ibinahagi niya ang ilang mahahalagang kaganapan sa buhay niya mula noon hanggang ngayon.

Sa pagsalang niya sa “May Pa-Presscon” segment, nalaman nina Boobay at Tekla ang tatlong kilalang male stars na naugnay sa TV host-comedian, kabilang na ang isang atleta.

Unang tanong ng fun-tastic duo kay Allan, sino ang crush niyang celebrity noon, “Hindi ko nga maalala na nagka-crush ako. Ang alam ko sila ang nagka-crush sa akin. Ha-hahaha!”

Seryoso namang inamin ng “Eat Bulaga” Dabarkads na marami siyang naging crush na celebrity lalo na noong nagsisimula pa lang ang career niya sa showbiz.

“Siyempre Japayuki ako noong araw bago ako nag-showbiz,” ani Allan na ang tinutukoy ay ang pagtatrabaho niya nang ilang taon bilang entertainer sa Japan.

Sa pagkakataong ito ay ipinakita na nina Boobay at Tekla kay Allan ang tatlong litrato ng male celebrities pero hindi ito ipinakita sa camera. Nasilip din ito ng mga kasamahan nilang komedyante sa show, na tinatawag nilang “Mema Squad.”

Ayon kay Allan, mabait ang lalaking nasa first photo at Ilonggo rin daw ito tulad niya. Sumunod na tanong sa kanya kung minahal niya ang male celebrity, sagot niya, “Mapagmahal naman akong tao, eh.”

Sey pa ng komedyante, nalilinya sa sports ang kilalang celebrity. Dito, biglang sumingit ang “Mema Squad” member na si Krissy Achino (impersonator ni Kris Aquino) at sinabing, “Same ang taste natin.”

Sa second photo, na-shock naman si Allan at sabay tanong kung paano nalaman ng researcher ng TBATS na naging close sila ng male star.

“Mabait ito actually. Akala ng iba antipatiko kasi may lahi pero the truth is, ang bait-bait-bait nito,” chika pa ni Allan sabay sabing super hunk ang guy dahil sa dami ng abs nito.

Nang ipakita na sa kanya ang ikatlong picture, sinabi ni Allan na may lahi rin ito at bukod sa mabait ay talented pa.

“Noong makita ko siya sabi ko, ‘May talent ka. Punta ka sa Klownz,'” sey ng Kapuso comedian. Binigyan daw niya ang “American” guy ng chance na makapag-perform sa pag-aari niyang mga comedy bar.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kayo dear BANDERA readers, may idea na ba kayo kung sino ang tatlong male stars na tinutukoy ng TBATS na naging ka-close ni Allan noon at naging bahagi ng past niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending