Julia ibinandera ang pagmamahal kay Gerald: Happy birthday my love, I am so proud of you! | Bandera

Julia ibinandera ang pagmamahal kay Gerald: Happy birthday my love, I am so proud of you!

Reggee Bonoan - March 07, 2021 - 06:41 PM

MATAPOS aminin ni Gerald Anderson ang relasyon nila ni Julia Barretto ay inaabangan ng lahat ang magiging reaksyon ng dalaga.

Nauna nang naglabas ng saloobin ang dating kasintahan ng aktor na si Bea Alonzo nitong Sabado ng gabi sa kanyang Instagram na umabot na sa 474,909 likes and counting at 11,421 comments.

Ngayong araw, kaarawan ni Gerald,  ang first public appearance nila ni Julia kung saan magkasama silang namahagi ng tulong sa Aeta community sa San Agustin, Iba, Zambales.

Hindi pa natatapos ang araw ay heto’t nag-post na si Julia ng larawang hinalikan siya ni Gerald sa kaliwang pisngi habang magkayakap habang ninanamnam ang kalayaang okay na silang makita ng publiko.

Ang caption ni Julia sa larawan nila ng aktor, “Everyday I celebrate you, but today I am extra grateful. Happy birthday my love, I am SO PROUD OF YOU.”

Pero nagulat kami sa reaksyon ng netizens dahil halos lahat ay negatibo ang pagtanggap sa relasyon ng magkarelasyon.

Ayon kay @shawnlaguerta, “Wtf.”

Say ni @smileeeeeeeeee_07, “Whaaat?!!! MYLOVEEE!!! Shocksss!!! Kunwari na surprise kamiiii!!! Happy now, iyak later! Deny deny pa cysttt!!!”

Sabi ni @daryllgayle, “Only time will tell the truth.”

Napa-wow naman si @msuperange, “Edi wow hahahahaha.”

Komento naman ni @ainescent, “Ayan deny pa more.”

Nagpahatid naman ng saya si @fedge.ph, “Pinapanood ko lage vlogs ng Mama @marjbarretto at kay @danibarretto kaya masaya na din ako sa ‘yo Julia (i know walang masyadong connect). Life is too short not to be happy. Yes na lang ta oyy!”

Sabi ni @jehankl ay pabayaan na lang sina Gerald at Julia, “Nkakapagod magtago and masarap if u care less about the others opinion. Kaya matapang mga kabs… #paubaya na tayo.. Hahahahaha.”

Ni-repost naman ni @_emelou_ ang pahayag ni Julia noong tinanong siya tungkol kay ‘Ge, “Hindi ko siya naging boyfriend, and hindi ko siya boyfriend ngayon. Therefore, wala akong inagawan ng boyfriend, wala akong inahas at saka wala rin akong nilandi.”

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay umabot na sa 135k ang nag-like at 23.6k ang komento sa loob lang ng 36 minuto simula nang i-post ito ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending