Arjo mapapanood ngayong gabi sa ABS-CBN at GMA; paiiyakin at patatawanin ang manonood | Bandera

Arjo mapapanood ngayong gabi sa ABS-CBN at GMA; paiiyakin at patatawanin ang manonood

Reggee Bonoan - March 06, 2021 - 12:48 PM

ANG astig ng award-winning actor na si Arjo Atayde dahil pareho siyang mapapanood sa ABS-CBN at GMA 7 ngayong gabi.

Mapapanood muli ang binata sa programang “Maalaala Mo Kaya” ng Kapamilya Network bilang tribute sa namayapang international fashion designer na si Rocky Gathercole at sa Kapuso station naman ipalalabas ang kanyang guesting tonight sa “Daddy’s Gurl” nina Vic Sotto at Maine Mendoza.

Matatandaang si Arjo ang gumanap bilang Rocky Gathercole sa “MMK” episode noong July, 2017 na kung hindi kami nagkakamali ay isa sa mga nakakuha ng pinakamataas na  rating ng programa ni Ms. Charo Santos-Concio.

Kaliwa’t kanan ang magagandang reviews na natanggap ni Arjo sa pagkakaganap niya bilang gay designer kasama si Zaijian Jaranilla bilang batang Rocky.

Naikumpara pa ang acting ni Arjo dahil kabaligtaran sa umeereng “FPJ’s Ang Probinsyano” ng taong din iyon na naroon pa ang aktor bilang si Joaquin Tuazon.

Mula kay @RogenSaquillo, “#MMKRockyGathercole. Another astounding portrayal of arjo atayde!!! From a thug role in Probinsyano to gay role in MMK! He’s not choosy.”

Say ni @direkrodel, “This is what acting is all about. Arjo Atayde poured his heart into this episode Two thumbs up for his performance. #MMKRockyGathercole.”

Sabi naman ni @marhadahadjirul, “#MMKRockyGathercole Hustisya please. Bakit ang gwapo ni Arjo? And, aside from his appealing face, his acting skill is superb.”

Marami pa kaming nabasang pinupuri rin si Zaijian at bagay das silang magsama ni Arjo sa isang project.

Samantala, ang guesting naman ni Arjo mamayang gabi sa “Daddy’s Gurl” ay ipinagpaalam talaga ng aktor sa ABS-CBN management.

Ilang beses na palang iniimbitahan si Arjo na mag-guest sa programa kung saan kasama ang girlfriend niyang si Maine Mendoza pero alam niyang hindi siya papayagan kaya hindi rin siya nagpursige.

Pero sa pagkakataong ito dahil birthday episode nga ito ni Maine kaya si Arjo na mismo ang nagpaalam sa management kung puwede siyang mag-guest sa sitcom ng GMA bilang suporta sa girlfriend niya at hindi naman nagdalawang-salita ang aktor.

Nangyari ang taping ng “Daddy’s Gurl” ay hindi pa nagre-renew ng kontrata si Arjo sa ABS-CBN at in-assure ng aktor na mananatili siyang Kapamilya forever dahil ito ang tahanan niya.

Sa pagkakaalam din namin noong nagsara ang ABS-CBN ay ilang beses nakatanggap ng offer mula sa GMA ang aktor, pero magalang niya itong tinatanggihan dahil ang puso niya ay nasa Dos pa rin.

At sumakto pa dahil nanalo siyang Best Actor sa nakaraang 3rd Asian Academy Creative Awards 2020 para sa karakter niyang Benjo Malaya sa iWant series na “Bagman” mula sa Dreamscape Entertainment na idinirek ni Shugo Praico.

Kaya paano niya iiwan ang ABS-CBN, e, ito ang nagbigay sa kanya ng magandang project para makuha niya ang AAA award.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya sa mga Kapamilya at Kapuso, panoorin ninyo pareho ang “MMK” episode ni Rocky Gathercole at ang “Daddy’s Gurl” mamayang gabi.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending