Gabby ipinagluluto ang mga katrabaho sa taping: Walang nega sa set namin, lahat OK
“WALANG negative sa set namin, lahat okay!” ang pagmamalaki ng Kapuso leading man na si Gabby Concepcion patungkol sa mga katrabaho niya sa upcoming Kapuso series na “First Yaya.”
Natapos na ang second leg ng lock-in taping para sa nasabing romantic-comedy series na pagbibidahan nga ni Gabby at ng leading lady niyang si Sanya Lopez.
Kuwento ng dalawa, talagang naging pamilya na ang buong cast at production matapos ang ilang linggong pananatili sa kanilang location. Nag-click daw agad ang lahat dahil madaling pakisamahan ang bawat isa.
Pahayag pa ni Gabbby, napakasarap daw katrabaho ni Sanya at ang iba pa nilang kasamahan sa serye kaya hindi rin mahirap ang naging adjustment niya para sa kanyang role bilang Pangulo ng bansa.
“Mapagmahal sa kapwa at saka madali siyang pakisamahan, madali siyang barkadahin. Tsaka marami ding dalang pagkain ‘yan,” ang sey ng aktor sa interview ng GMA.
“Madalas ‘yung kasama ‘yung guys sina Pancho (Magno), sina Kiel (Rodriguez). Walang tao doong hindi ko kasundo. Walang negative sa set namin. Lahat okay,” aniya pa.
Kuwento naman ni Sanya, wala raw kaarte-arte at kaere-ere ang dating matinee idol kahit pa isa na ito sa mga mga tinitingalang artista sa industriya.
“Sobrang generous niya. As in lahat. Kung saan kami masaya tatanungin kami, ‘Anong gusto ninyo?’ Tapos nagluluto ‘yan para sa amin. At masarap siyang magluto. Mahilig siyang mag-imbento ng lulutuin,” lahad ng Kapuso actress.
“Nakagawa na nga kami ng grupo, e, ‘yung The Dears. Sila ‘yung mga nakakasama ko. Of course si Ate Kakai Bautista, si Ate Cai Cortez, si Thia Thomalla, si Cassy Legaspi, si Maxine Medina. Kaming lima solid talaga ‘yung samahan namin talaga,” masayang chika pa ng dalaga.
Gagampanan ni Sanya sa “First Yaya” ang karakter ni Yaya Melody na mai-in love sa role ni Gabby bilang si Presidente Glenn.
“Si Yaya Melody nagtatrabaho siya bilang katulong din sa isang resort sa ibang bansa at si President Glenn ay nandoon. Mayor pa lang si Glenn ay nandu’n na siya dahil may pinagdaraanan siya sa asawa.
“‘Yun ‘yung nangyari, nasa iisang bansa lang pala kami at du’n natin malalaman kung paano kami magtatagpo,” sey ni Sanya.
Ka-join din sa cast ng serye sina Joaquin Domagoso, Pancho Magno, Kakai Bautista, Gardo Versoza, Jon Lucas, Rechie del Carmen, Pilar Pilapil, Sandy Andolong, Glenda Garcia, Analyn Barro, Anjo Damiles, Jerick Dolormente, Kiel Rodriguez, Jenzel Angeles, Clarence Delgado, Patricia Coma at Thou Reyes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.