Payo ni Heart kay misis para mapanatili ang mystery sa pagsasama: Wag magbihis sa harap ni mister | Bandera

Payo ni Heart kay misis para mapanatili ang mystery sa pagsasama: Wag magbihis sa harap ni mister

Ervin Santiago |February 28,2021
facebook
share this

Payo ni Heart kay misis para mapanatili ang mystery sa pagsasama: Wag magbihis sa harap ni mister

Ervin Santiago - February 28, 2021 - 09:18 AM

“HUWAG na huwag kang magbibihis sa harap ng asawa mo!”

Yan ang isa sa mga couple tips ni Heart Evangelista para mapanatili raw ang misteryo at excitement sa pagitan ng mag-asawa.

Ayon sa Kapuso actress at fahion icon, hangga’t maaari ay hindi siya nagpapakita nang hubo’t hubad sa harapan ng kanyang mister na si Sorsogon Gov. Chiz Escudero.

Para kay Heart, isa ito sa mga factor na dapat i-consider ng mga married couple para mas mapatatag at mas mapahaba pa nang matagal ang kanilang relasyon.

“My dad would always tell me, ‘you have to leave a little bit of yourself,’” chika ng aktres sa YouTube vlog ng beauty doctor na si Dr. Aivee Teo.

Pagpapatuloy pa ni Heart, kahit daw sa paggamit ng comfort room ay “maingat” siya, kaya talagang may pintuan ang banyo nila sa kwarto ni Chiz.

“So if you go to the toilet, close the door. If magbibihis ka, don’t make bihis in front of them. Make sure hindi kayo nakikita ng inyong partner habang nagbibihis after mag-shower or something.

“Ako, I don’t dress up in front of Chiz. When he sees me naked, he only sees me naked when it’s that one. Hindi ’yung nagdadaan ka, nagpupulbo ka (ng kili-kili). ’Di ba ang pangit?” pag-amin pa ni Heart.

Bukod dito, hindi rin daw nagpapahid ng lotion sa kanyang katawan ang Kapuso star kapag nasa harap niya ang asawa.
Nasanay na rin daw si Heart na paggising sa umaga ay diretso na agad siya sa CR para mag-gargle ng mouthwash para feeling fresh pa rin ang hininga kapag naamoy ni Chiz.

At ito pa, talagang may OOTD din ang misis ni Chiz kahit matutulog na. May time raw na feel niya ang magsuot ng gowns o nga silk robes.

“Ako kapag natutulog ako naka super gown, I wear ’yung silk, ano, robe na maganda because wala ka ng makeup, gandahan mo na! It feels good in the morning to wake up like that,” natatawang chika pa ng fashion icon.

Advice pa niya sa lahat ng wifey, mahalagang maglaan ng sapat na panahon para sa sarili kahit may asawa’t anak na. At hindi mo raw ito dapat gawin para sa partner n’yo, kundi para sa inyong mga sarili.

“I always believe you shouldn’t let go of yourself just because nag-asawa ka na o may anak ka na, again in connection with your dreams and your aspirations in life.

“It’s the same with your looks because it’s not because you’re being vain or vain is a sin, it’s taking care of yourself, for your self-worth,” sey pa ni Heart.

Sa nasabi ring vlog, naikuwento ni Heart na siya ang madalas sumuko kapag may diskusyon o pagtatalo sila ni Chiz. Aniya, siya na raw ang kusang umiiwas sa mga ganitong eksena dahil alam niyang magaling ang asawa pagdating sa debate.

“When we argue, si Chiz kasi magaling magsalita, he’s really good with debate. I choose my battles so I’m quiet and it pisses him more when I’m quiet. So I’m guilty also of going up and sleeping. Tinutulugan ko siya,” sabi pa niya.

Hindi rin daw siya confrontational na tao kaya kung minsan pagkatapos niyang manahimik at mag-walkout, ang ginagawa niya, susulatan niya si Chiz.

“I’m more of I’ll write you a letter first so if you write a letter, they can actually digest it more and better because they don’t see your face. He’s not irritated na galit ka.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So ‘yung tone, according sa tone sa utak niya so mas maiintindihan niya ang mga gusto kong i-explain. There’s no point kasi arguing and fighting. When you guys are angry at the very moment, let it pass,” katwiran ni Heart.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending