Vin naghahanda na sa pagiging daddy; breast pump sinubukan sa sarili bago ipagamit kay Sophie | Bandera

Vin naghahanda na sa pagiging daddy; breast pump sinubukan sa sarili bago ipagamit kay Sophie

Ervin Santiago |February 25,2021
facebook
share this

Vin naghahanda na sa pagiging daddy; breast pump sinubukan sa sarili bago ipagamit kay Sophie

Ervin Santiago - February 25, 2021 - 09:32 AM

“I BROKE his nipple!” Yan ang nakakalokang caption ng Kapuso actress na si Sophie Albert sa litrato ng kanyang fiancé na si Vin Abrenica.

Aliw na aliw ang mga netizens sa ginagawang paghahanda ng future mommy and daddy sa nalalapit na pagdating ng panganay nilang baby.

Ibinahagi ng hunk actor sa kanyang Instagram Story ang dalawa niyang photo kung saan makikita siyang walang pang-itaas na damit at tina-try sa sarili ang tinatawag na haakaa o breast pump.

Nauna na itong ipinost ni Sophie sa kanyang IG account at ibinalita nga na sinubukan muna ito ni Vin sa sarili bago ipagamit sa kanya.

Ito raw ang unang beses na tinray nila ang breast pump at game na game naman daw si Vin na i-test ito sa kanyang dibdib dahil na rin sa kanyang request.

“Can I try it on you? I have to try it on you before I try it on me so I know if it’s safe or not. This is what’s gonna catch milk when I’m ready to breastmilk,” sabi ni Sophie.

Inamin ng aktor na natakot siya nu’ng una pero ginawa pa rin niya para sa kapakanan ni Sophie. Ngunit unang try pa lang ni Vin ay agad din niyang tinanggal dahil feeling niya masakit na kapag pinatagal pa niya ito sa dibdib.

Natuwa naman si Sophie sa ginawa ni Vin pero sa isa nga niyang Instagram story, sinabi niyang, “I broke his nipple.”

Samantala, isa pang paghahandang ginagawa ng aktor sa pagiging daddy ay ang paglilinis ng mga baby bottles at iba pang gamit ng mga sanggol.

“Daddy is ready!! Love that he’s just as excited to do all the prep we need for our lil bubba!” ang caption ni Sophie sa kanyang IG post.

Ibinandera ng celebrity couple na magkakaroon na sila ng baby isang araw pagkatapos i-announce ang kanilang engagement ngayong February.

“[Eight] years together and bound forever by our greatest love thus far. See you soon our little one! Happy Valentine’s day everyone,” mensahe ni Sophie sa kanilang mga supporters.

Bago nga ito, ibinalita ni Vin na engaged na sila ni Sophie sa pamamagitan din ng IG. Aniya sa caption, “You’ll never know when you are truly ready until you realize who you’re living and breathing for.

“It’s you @itssophiealbert. We’ve grown up together and I look forward to growing old together.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Good luck @itssophiealbert, you are stuck with me for life. We’re engaged!! 12.12.20.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending