Netizens naloka sa 'parajet' video ni Ian Veneracion; naubusan ng gas habang nasa ere | Bandera

Netizens naloka sa ‘parajet’ video ni Ian Veneracion; naubusan ng gas habang nasa ere

Alex Brosas |February 24,2021
facebook
share this

Netizens naloka sa ‘parajet’ video ni Ian Veneracion; naubusan ng gas habang nasa ere

Alex Brosas - February 24, 2021 - 05:41 PM

INATAKE ng matinding nerbiyos ang followers ni Ian Veneracion sa kanyang latest video which he shared on his Instagram account.

Sa video kasi ay ipinakitang nagpapalipad ng Para jet si Ian kasama ang kanyang friend na si Buko Raymundo. While in the air, naubusan ng fuel ang Para jet.

“Wala na, wala na. Fuel wala na,” say ni Ian. Mukha namang hindi nabahala si Buko who said, “Galingan mo ha. Promise? Promise? Promise?”

Magaling si Ian dahil nakuha nitong hindi madisgrasya habang nasa ere at wala ng fuel. Safe na nag-landing sila sa ground.

Mix ang reaction ng IG followers ni Ian. May nangamba pero meron ding humanga sa kanyang flying skills.

“Ang galing mo palang piloto idol Ian dapat si Bea (Alonzo) ang isama mo sa paragliding mo.”

“Natatawa ako na ninenerbyos while watching this.”

“Galing naman po i hope ganyan din po ang anak ko the future pilot @soaaronc ang popogi ng mga pilot ngayon.”

“Super galing talaga. I love you my mi amor.”

“Ang galing….touch down so good…always keep safe”

“Wow nakakatakot na parang ang sarap sa pakiramdam..ingats po kayo.”

* * *

Pwede nang humabol sa panonood ng pinakahuling episodes ng ABS-CBN entertainment shows ang mga Kapamilya viewers saan man sa mundo dahil available na ang mga ito sa loob ng pitong araw sa Kapamilya Online Live sa parehong YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.

Mapapanood sa Kapamilya Online Live ang latest episodes ng mga teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsyano,” “Ang Sa Iyo Ay Akin,” “Walang Hanggang Paalam,” at “Bagong Umaga,” pati na ng “It’s Showtime,” “ASAP Natin ‘To,” “Magandang Buhay,” “Paano Kita Mapasasalamatan,” “Iba ‘Yan,” at “MMK.”

Makakakuha rin ng saya at mahahalagang aral sa weekly talk shows na “Real Talk: The Heart of the Matter” nina Dyan Castillejo, Mikee Cojuangco-Jaworski, at pastor Monique Lopez-Ong, “Lucky’ng Tulong” ni Luis Manzano, at “Showbiz Pa More” ni DJ Jhai Ho sa YouTube.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod sa bago at kasalukuyang umeereng mga palabas, makakapanood din sa Kapamilya Online Live ng mga minahal na serye gaya ng “Pangako Sa ‘Yo,” “Be Careful With My Heart,” “The Good Son,” “Asintado,” “Ipaglaban Mo,” “Pasion De Amor,” “Honesto,” “Since I Found You,” at game show na “Pilipinas, GKNB?”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending