TNT contestant na pumabor sa ABS-CBN shutdown hinarap ni Vice, Kim naiyak: Ang bigat sa dibdib…
NALAGAY sa hot seat ang isang contestant ng “Tawag ng Tanghalan” sa It’s Showtime na aminadong pumabor noon at nanawagan sa pagpapasara ng ABS-CBN.
Sina Vice Ganda at Kim Chiu ang nag-interview kay Kaloy Villaver mula sa Talisay, Cebu na umaming matinding pamba-bash din ang natikman niya mula sa netizens dahil sa pagpabor niya na huwag nang bigyan ng bagong prangkisa ang Kapamilya Network.
Kaya nang mapag-usapan ito sa episode ng noontime show kahapon, hindi napigilan nina Kim at Vice ang maging emosyonal, sa katunayan naiyak pa nga ang actress-TV host habang kinakausap ang “TNT” contestant.
Sabi ni Vice, “Kasi sa mga hindi nakakaalam, dahil si Kaloy ay isa sa mga nag-post online ng ‘Yes to ABS-CBN shutdown.’”
“Yes, noong nasa abroad po ako,” ang diretsong sagot ni Kaloy.
Ani Vice, “’Tapos nag-post kasi siya sa Facebook na sasali siya. So, maraming nakabasa, e, nabasa din yung post niya, tapos ngayon sasali ka, e, dati gusto mong mag-shutdown (ang ABS-CBN).”
“So, paano mo hina-handle yun, na bina-bash ka nila?” usisa pa ng TV host-comedian sa contestant.
Sagot ni Kaloy, “Actually, Miss Vice, medyo na-ready na rin po ako for that thing kasi I was very vocal about my political stand before noong nasa abroad ako.”
“You were in favor of shutting down the Philippines’ largest TV network, which is ABS-CBN,” sabi uli ni Vice na sinagot naman ni Kaloy ng, “Yes po, hindi ko pwede i-deny yun.
“I’m actually very thankful na binigyan po ako ng chance ng network to have my talent, to share my talent, and have my story heard,” dagdag pa ng contestant.
Sumunod na question ng partner ni Ion Perez, “Anong feeling mo na nandito ka ngayon, sa studio ng network na minsan mong ipinalangin na magsara?”
Sagot ni Kaloy, “Nahihiya po ako, actually. I get to be honest, sobrang hiya po ako sa ginawa ko because I was barking at the wrong tree that time.
“And that was before I kept quiet. But before I came home to the Philippines, marami din akong ano, I have a lot of doubts kaya ayoko na magsalita sa mga bagay-bagay kasi ayoko lalo mapahiya yung sarili ko. Napahiya po ako, sobra,” pag-amin pa niya.
Nais namang intindihin ni Vice ang nagawa ni Kaloy, “Maraming nagagalit, pero ako, personally, I want to understand. Bakit mo nasabi yun? Anong tumatakbo sa isip mo? Bakit mo winish na sana magsara yung ABS-CBN?”
Ani Kaloy, “Nagiging influence na rin po ako ng mga blogs, pages, that I was not able to validate if fact ba yung binabasa ko. Kaya nga po I kept quiet.
“May balik din talaga lahat ng sinasabi mo, even if it’s a long time ago. Nahihiya ako na mali ang sinasabi ko,” aniya pa.
Kasunod nito, nag-sorry nga si Kaloy sa kanyang nagawa noon, “If I would be given a chance to apologize, you
(Vice), siyempre ito kababayan ko po (Kim) and everybody here who gave me a chance na marinig yung story ko, my story of change, my story of hope, I would like to thank and apologize to everybody, on behalf of all the people who did the same thing.”
Samantala, hindi na nga napigilan ni Kim ang sarili na maiyak habang pinakikinggan si Kaloy, “Alam mo, Ma (Vice), hindi lang naman si Kaloy yung isa sa mga nabigyan ng pagkakataon na pinapasok ulit natin dito sa Kapamilya na nag-yes to ABS-CBN…o naiyak ako. Ganito pala yung feeling.”
Sabi naman ni Vice, “Alam mo ba, bukod sa inyong lahat na nag-wish, kasama ka na dun at sa lahat ng nag-yes to ABS-CBN shutdown. Alam niyo ba na bukod sa maraming nawalan ng trabaho, meron ding nawalan ng buhay dahil sa isyung to.
“May namatay kaming kapamilya, katrabaho, dahil hindi kinaya yung balita na magsasara yung ABS at mawawalan siya ng trabaho na bumubuhay sa pamilya niya sa pangyayaring yun,” lahad pa ng komedyante na ang tinutukoy ay ang pagpanaw ng isang production manager ng network matapos magdesisyon ang Kongreso na hindi na ire-renew ang franchise ng ABS-CBN.
Sey naman ni Kaloy, “I feel, I should be… I’m one of those who should take the blame. I admit.”
Sabi naman ni Kim na naluluha pa rin, “Nadadala lang sila sa mga sinasabi ng iba tapos dumadami na sila, and hindi nila alam yung naging epekto, hindi lang sa kumpanya mismo.
“Hindi ninyo siguro naisip yung mararamdaman namin as kaming mga Kapamilya. And iba lang yung pakiramdam na tayong mga Kapamilya, yung mga nagsasabing ‘Yes to ABS-CBN shutdown,’ pinapatuloy pa rin natin sila dito para ipakita yung talent and tuparin yung pangarap nila,” pahayag pa ng dalaga.
Dugtong pa ng aktres, “Pero naano lang ako, ganito pala yung feeling. Kasi meron rin sa PBB (Connect), hindi naman siguro lihim sa lahat na si Russu, vocal din siya sa ‘Yes to ABS-CBN shutdown,’ although hindi ko siya nakaharap. Ngayon kaharap ko (Kaloy), kababayan ko pa.”
Paliwanag pa ni Kim sa salitang Bisaya, “So, murag bug-at lang sa akong dughan pero nalipay ko nga nangayo kag sorry ug isog ka nga niatubang ka sa mga tawo, diri sa amo tanan. Nangayo kag pasaylo ug gidawat ka namo diri.”
(Parang ang bigat lang sa dibdib ko, pero masaya ako dahil humingi ka ng sorry at matapang ka na humarap sa mga tao, dito sa aming lahat. Humingi ka ng sorry at tinanggap ka namin dito.)
Hindi naman nakaabante sa susunod na round ng “TNT” si Kaloy matapos talunin ng kanyang nakalaban sa unang showdown.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.