Janno pinatawad na ni Kitkat pero: Pinalalabas na wala siyang kasalanan, hindi ko na po kayang palampasin 'to | Bandera

Janno pinatawad na ni Kitkat pero: Pinalalabas na wala siyang kasalanan, hindi ko na po kayang palampasin ‘to

Reggee Bonoan |February 24,2021
facebook
share this

Janno pinatawad na ni Kitkat pero: Pinalalabas na wala siyang kasalanan, hindi ko na po kayang palampasin ‘to

Reggee Bonoan - February 24, 2021 - 09:24 AM

PINAG-AYOS na ng NET 25 management ang dalawang host ng programa nilang “Happy Time” na sina Kitkat Favia at Janno Gibbs.

Pinatawad na ng komedyana si Janno sa ginanap na meeting nila kasama ang NET 25 executives nitong Martes ng hapon.  

Base sa mga nakakita ay kasamang dumating ni Kitkat ang asawa nitong si Walby Favia, at naroon din sina Janno at Anjo Yllana.

May nag-post din na live ang “Happy Time” ngayong araw, Miyerkoles kaya’t ang tineyp noong Huwebes ng gabi sa studio ng Eagle Broadcasting Corporation ay hindi na magagamit. Ito ‘yung episode na pinagmumura umano ni Janno si Kitkat at ibinato ang mikropono, sabay alis.

Pagkatapos ng meeting ay nag-post na si Kitkat sa kanyang Facebook page ng, “Maraming salamat sa suporta at pagmamahal ninyo. Dahil ako po ay minamahal ninyo at alam kong blessed ako, AKO PO AY NAKAPAG PATAWAD NA!

“Sino ba naman ako para hindi magpatawad, ang DIYOS pinatawad ako sa mga kasalanan ko, nararapat lamang na ako ay magpatawad makakagaan sa aking buhay at loob.

“Opo sa lahat ng nangyari, totoo po lahat yun, pero again AKO PO AY NAGPAPATAWAD NA thank YOU LORD for the strength.”

Matapang si Kitkat na harapin ang maraming bagay dahil basta’t nasa katwiran siya ay ipaglalaban niya. Bata pa lang siya at hindi pa artista ay vocal na siya sa mga gusto niyang sabihin lalo na kapag alam niyang tama.

At sa paghaharap nila ni Janno ay mas umiral ang pagiging propesyonal at kabaitan ng TV host-actress dahil nagawa niyang patawarin ang taong nakagawa ng hindi maganda sa kanya.

Binati namin siya sa pagpapakumbaba niya, “Naisip ko ako na lang iintindi.”

Sabay sabing, “Mahirap sa una sakit sa dibdib mabigat pa din nun’g una naisip ko si Ate Cherry Pie (Picanche) pinatay nanay n’ya pero nagawa n’yang magpatawad. I grew up na pinapahalagahan ang word of God at sagrado Katoliko kami at lumaking may takot sa Diyos kaya humawak ako ng Bible and I chose to be the bigger person.

“Totoo naman lahat ang nangyari nasaktan ako ng sobra, galit pamilya ko pero sino ba naman ako para di patawarin everybody needs a second chance kahit sabi ng iba na ilang chance na ‘yan kay Kuya Janno.

“Pero eto inisip ko kausap ko si Lord pano kung mamatay ako bigla di ako papatawarin ni Lord sabihin nya ABA E DI MO NAGAWA PATAWARIN NAGKASALA SAYO BAT KITA TATANGGAPIN di po bagay sakin pero ganu’n po talaga kami ng pamilya ko. Kaya pati ang mga tao I spoke for them kasi kako wala silang boses,” katwiran pa niya.

Samantala, pagkatapos mag-post ni Kitkat na nagpatawad na siya ay sinagot ni Janno ang sinabi ng co-host niya sa “Happy Time.”

“Nagpakumbaba na po ako. Tiniis ko ang pangbabash ng mga tao sa akin at sa aking pamilya. Humingi na po ako ng tawad, kahit na siya ang tunay na nag-umpisa ng lahat. I was provoked.

“Pinahiya sa harap ng maraming tao sa studio. Pinag-ayos na po kami kanina. Akala ko ay ayos na.  Tinanggap ko na po kahit hindi niya ako sinuklian ng paumanhin. Ngunit ngayong gabi ay nag-post na naman siya.

“Pinalalabas na wala siyang kasalanan. Hindi ko na po kayang palampasin ito. Kailangan ko nang ipagtanggol ang aking reputasyon at higit sa lahat ang aking mga anak na nakatatanggap din ng batikos sa mga tao.

“Oras na para malaman ng tao ang buong katotohanan,” sabi pa ni Janno.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ibig sabihin, hindi pa pala rito matatapos ang isyu? Abangan na lang natin ang susunod na magiging pahayag nina Kitkat at Janno tungkol dito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending