Love story nina Vicki at Hayden pang-MMK: Naintriga ako sa kanya dahil... | Bandera

Love story nina Vicki at Hayden pang-MMK: Naintriga ako sa kanya dahil…

Reggee Bonoan - February 23, 2021 - 06:35 PM

HAYDEN KHO AT VICKI BELO

 

PWEDENG-PWEDE sa “Maalaala Mo Kaya” ang love story nina Hayden Kho at Vicki Belo. Ang cute kasi ng kuwento ng kanilang pagkikita hanggang sa nabalutan ito ng intriga mula rin mismo sa mga kaibigan ng celebrity doctor.

Ang mag-asawang ang panauhin ni Toni Gonzaga-Soriano sa kanyang vlog na ipinost kahapon na umani na agad ng mahigit sa 1 million views.

Hindi naman itinanggi ni Dra. Belo na siya ang unang nagpapansin kay Doc Hayden na hindi naman daw siya tiningnan noong una.

Sa pagkakatanda namin ay inimbitang maging judge si Dra. Vicki sa University of Santo Tomas kung saan sila unang nagkita ng kanyang hubby.

Bungad ni Vicki, “Naintriga ako sa kanya kasi ang daming nagpapalakpakan, sikat siya sa UST.”

Hirit naman ni Hayden, “Ma-PR lang ako.”

Tuloy na kuwento ni Dra. Belo kay Toni, “Sabi ko, ano kaya specialty nito? Kasi may palakpakan I was intrigued, then after an hour I stood up, sabi ng friend ko, ‘Saan ka pupunta?’ Sabi ko I will entertain myself at umupo ako sa tabi niya (Hayden).

“Tapos sabi ko sa kanya, ‘why they all clapping for you? Who are you?  Tapos sabi niya, ‘E, kasi it’s my birthday, I’m Mr. Congeniality.’

“Then very proudly naman niyang sinabi na, ‘I’m an intern.’ Naisip ko, intern, birthday niya so 24-25 years old, oh my gosh! Tapos he was the President of Interns Association in Makati Med where I also had my internship, so parang pareho kami na UST. Sabi ko, ay 24-25, baka puwede kay Crystal (panganay na anak na babae),” kuwento pa niya.

At dahil masyadong bata pa noon si Hayden kaya naisip ni Dra. Belo na ireto ang anak na si Crystal na noo’y walang boyfriend.

Sabi niya, “Actually, when I arrived at home that night the first thing I told Crystal, ‘I found na your husband!’ Then sabi niya, ‘What?’ Tapos sabi ko I found na, he was a doctor, he’s tall, he’s handsome, he’s funny and he’s smart. ‘Yun ang plan (taong 2005).”

Pero namali ang plano dahil si Vicki pala ang gusto ng tall, handsome, funny at smart guy dahil pagkalipas ng tatlong buwan ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Hayden para mag-observe sa mga ginagawang surgeries sa clinic niya at may dala pang tsokolate.

Para sa mga hindi nakakaalam ay paborito ni Dra. Belo ang chocolates at sa katunayan ay may isang malaking refrigerator siya na puro ito lang ang laman.
Nagulat si Toni dahil bakit may dalang tsokolate si Hayden, “Bakit ka nagdadala, nanliligaw ka na?”

Sagot sa kanya, “Nakakahiya kayang pumunta ng walang dala, sabi ng mama ko kapag bibisita ka, dapat lagi kang may dala.”

Hanggang sa may mga lunch and dinner nang nagaganap sa dalawa.  Dati raw ay magkaharap silang kumakain pero nagulat na lang si Dra. Belo na tumabi sa kanya si Hayden at panay ang galaw ng mga paa nito at sa pakiramdam niya ay sadyang sinasagi ang paa niya.

Pagdating daw niya ng bahay ay tinawagan niya agad ang kaibigan niya at ikinuwento ang paggalaw ng mga paa nila na feeling niya ay nagpi-flirt sa kanya ang guwapong doktor.

“Sabi ng friend ko, ‘that means he likes you.’”

Pagkalipas ng ilang buwan ay opisyal na silang naging magkarelasyon at tahimik naman daw ang buhay nila that time, smooth sailing hanggang sa nagulo na dahil sa isang dinner invitation sa bahay ng mga Belo kung saan imbitado si Hayden at natiyempong naroon si Mario Dumaual ng “TV Patrol” na close friend ni Vicki. At doon na nagsimula ang balitang may batang ka-date ang sikat na doktora.

Kuwento ni Dra. Belo, “Okay kami noon until Mario saw us and it became public and suddenly all eyes on him and ‘who is this guy?’ tapos nagkaroon ng problema kasi my friends told me na so young.”

Hindi lubos maisip noon ng doktora kung bakit malaking isyu na mas bata sa kanya ang boyfriend? Bakit kapag ang girlfriend ang mas bata sa lalaki ay hindi naman masyadong big deal?

Inisip ni Vicki na puwede niyang ipagmalaki si Hayden dahil sa edad nitong 25 ay marami na itong achievements kumpara sa kanya nu’ng same age sila.

Aniya, “In my mind, nobody will look at Hayden as boytoy kasi hindi naman siya typical boytoy. Doktor naman ‘to, pero ang nangyari all my friends judged him, so na-shock din siya kasi in his mind he was respected in UST.”

Pero para kay Hayden ay nagkaroon na siya ng identity crisis dahil sa mga naririnig, nagkaroon na siya ng mga katanungan.

“In my world, the world that I knew parang okay na okay ako, ‘yung self-esteem ko mataas na mataas ‘coz I’m achieving this much in the shorter span of time. ‘Yung future na envision ko sa sarili ko better than others, more opportunities ganyan.  Tapos biglang lumabas ‘yung isyu na ‘yun (sila na ni Dra. Vicki), parang nag-iba. All of a sudden wala akong na-achieve at all that became the identity crisis,” pahayag nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaanan nila ay heto sila ngayon, masaya at kuntento sa buhay sa piling ng anak nilang si Scarlet Snow na limang taong gulang na ngayon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending