Derek 'in love' na kay Ellen: You feel the energy? It’s pretty intense

Derek ‘in love’ na kay Ellen: You feel the energy? It’s pretty intense

Ervin Santiago |February 23,2021
share this

Derek ‘in love’ na kay Ellen: You feel the energy? It’s pretty intense

Ervin Santiago | February 23,2021 - 12:24 PM

“IN love” ang hunk actor na si Derek Ramsay kay Ellen Adarna. Yan ang ibinandera sa buong universe ng isang taong malapit sa binata kamakailan.

At mukhang “the feeling is mutual” din sa panig ni Ellen matapos kumalat ang kanilang mga video sa social media kung saan makikita ang pagwo-workout nila nang magkasama.

Sa Instagram Stories video na ipinost ng kaibigan ni Derek na si Gerry Santos, mapapanood ang rumored couple sa kanilang workout activities kung saan marami nga ang nagkomento na naniniwala silang magdyowa na nga ang dalawa.

“In love ang BFF ko @ramsayderek07 kay @maria.elena.adarna pero talo sa jumping rope,” ang caption ni Gerry sa nasabing IG post.

Ilang video clips pa ang ibinahagi ng kaibigan nina Derek at Ellen sa Instagram habang ginagawa ang kanilang intense exercise. Nilagyan pa niya ito ng caption na, “Perfect match!”

Bukod dito, isang litrato pa ang ipinost ni Gerry kung saan kasama niya ang dalawa at may mensaheng, “Happy for you both,” with matching heart emoji.

Samantala, sa isa namang Instagram post ni Ellen kasama si Derek ay may nagkomentong netizen na kinikilig siya kapag pinapanood ang mga video nila at inilarawan pa silang, “Energies that form into one.”

Sagot naman sa kanya ni Ellen, “You feel the energy? It’s pretty intense,” na may kalakip pang laughing emojis.

Kamakailan, ibinahagi ni Ellen sa kanyang Instagram followers ang ilang litrato mula sa paglalamiyerda nila sa Lake Caliraya sa Laguna. Kasama niya rito si Derek at ang anak na si Elias at ilang non-showbiz friends.

Nitong nagdaang Feb. 14, nag-celebrate rin ng Valentine’s day si Ellen kasama si Derek. Nag-dinner sila mismong bahay ng aktor sa Alabang kasama ang pamilya nito.

Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, wala pa ring kumpirmasyon ang dalawa tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Pero kung ang pagbabasihan ay ang kanilang mga pinaggagagawa ngayon, malamang sa malamang, nauwi na sa seryosong relasyon ang sinasabi nilang special friendship.

Sa naunang pahayag ng aktor, sinabi nitong walang malisya ang pagkakaibigan nila ng dating sexy star, pero wala naman siyang binanggit na imposible siyang ma-in love kay Ellen.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending