Bakit pumayag si Joshua na gawin ang music video ng 'Paubaya' kasama si Julia?

Bakit pumayag si Joshua na gawin ang music video ng ‘Paubaya’ kasama si Julia?

Reggee Bonoan |February 22,2021
share this

Bakit pumayag si Joshua na gawin ang music video ng ‘Paubaya’ kasama si Julia?

Reggee Bonoan | February 22,2021 - 01:18 PM

ANG pagiging magkaibigan nina Joshua Garcia, Moira dela Torre at asawa nitong si Jason Hernandez ang dahilan kung bakit pumayag ang una na gawin ang “Paubaya” music video.

Bukod pa riyan ang rason na muli niyang makakasama sa isang magandang proyekto ang kaibigan at ex-girlfriend niyang si Julia Barretto.

Sa ‘ASAP Natin ‘To” kahapon ay natanong nina Enchong Dee at Kim Chiu kung paano napapayag si Josh na lumabas sa music video ni Moira considering na mauungkat ang paghihiwalay nila ni Julia noon pang 2019.

Parehong naka-move on na ang JoshLia at heto muling umingay ang naging relasyon nila dahil ngayon lang nagkaroon ng closure base na rin sa pahayag ni Moira na, “I believe that this was the closure that we all needed.”

Sagot ni Joshua sa tanong kung bakit siya napapayag, “Simple lang ang sagot ko diyan, ‘yung friendship namin nila Moi, nila Kuya Jason and Julia. ‘Yun ‘yung isa sa nagpa-oo talaga sa akin. Seryoso, totoo ‘yun.”

Pinakinggan daw maigi ng aktor ang kantang “Paubaya” at umayon ang lyrics sa paghihiwalay nila ng dating katipan.

“Si Moi ‘yung nag-ask sa akin, eh. Sabi niya, ‘Okay ka ba to do this Paubaya?’ Napakinggan ko yung kanta. Sabi ko, ‘Ang ganda nito ah. Parang saktong-sakto masyado sa amin,” tugon ni Joshua sa mang-aawit.

May collaboration ang JoshLia kina Moira at Jason sa script, “May script siya, kami ‘yung gumawa, ako, si Moi, si Kuya Jason and si Jul. Kami yung gumawa apat.”

“May script siya, siyempre may guide kung hanggang saan lang kayo. Pero ‘yung sasabihin as an actor, kung saan ka komportable siyempre, kung saan mo mararamdaman,” kuwento ni Joshua.

Ito ‘yung binanggit sa amin ng aming source na walang script ‘yung mga binitiwang salita para sa isa’t isa nina Julia at Joshua kaya pala tagos sa puso ang mga lumabas sa bibig nila.

Pero hindi nasagot ni Josh ang tanong ni Kim kung bakit siya humingi ng sorry kay Julia sa takbo ng usapan nila sa video.

Anyway, may nagtanong sa aktor mula sa fan kung okay ang pakiramdam niya habang sinu-shoot nila ang music video.

“Oo naman. Ka-message ko nga si Kuya Jason before the shoot. Sabi ko sa kanya, ‘Bro, sigurado ako exciting itong mangyayari.’ Kasi parang doon na lang kami ulit nagsama-sama ulit. Last project naming ginawa na magkakasama is ‘Love You to the Stars and Back,’ yung ‘Torete’ ni Moi.”

Nagsimula ang pagkakaibigan nina Josh, Moira at Jason sa pelikulang “Love You to the Stars and Back” noong 2017 na unang pelikula ng JoshLia dahil ang phenomenal singer ang kumanta ng soundtrack na “Torete” mula sa direksyon Antoinette Jadaone.

Iisa ang manager nina Moira at direk Tonette, ang Cornerstone Entertainment na pag-aari ni Erickson Raymundo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending