Bastos, malisyosong bashers supalpal kay Leila Alcasid, ipinagtanggol ang BF na singer | Bandera

Bastos, malisyosong bashers supalpal kay Leila Alcasid, ipinagtanggol ang BF na singer

Ervin Santiago |February 21,2021
facebook
share this

Bastos, malisyosong bashers supalpal kay Leila Alcasid, ipinagtanggol ang BF na singer

Ervin Santiago - February 21, 2021 - 09:30 AM

NAKATIKIM ng matinding pamba-bash at malilisyosong comments ang anak ni Ogie Alcasid na si Leila Alcasid pati na ang boyfriend nitong indie artist.

Mismong si Leila ang nag-post ng ilang hate message at bastos na komento na natanggap nila ng dyowang si Curtismith sa kanyang social media account.

Ilang couple photos ang ibinahagi sa Instagram ng dalagang anak ni Ogie at ng dating Australian beauty queen na si Michelle van Eimeren kung saan makikita ang sweet moments ng dalawa.

Pinusuan ito ng kanyang IG followers kabilang na ang ilan sa mga kaibigan niya sa showbiz ngunit marami rin ang nangnega sa kanila at kung anu-ano ngang malilisyosong mensahe ang pinagsasabi base lamang sa nakita nilang mga litrato.

Hindi ito pinalampas ni Leila at talagang pinatulan ang mga bastos na netizens. Pinagsabihan niya ang mga ito na tigilan na ang pagpo-post ng malicious comments patungkol sa relasyon nila ng kanyang BF.

“Only saying this once: stop commenting on my pics w/ my BF saying ‘Ang bata pa’/other nosy comments. I’m turning 24 this year man!!!! Damn,” ang hugot ni Leila sa pamamagitan ng kanyang  Instagram Story.

Sa isa pa niyang IG post, ipinakita pa niya ang screenshot ng naging comment ng netizen sa hugging photo nila ni Curtismith, “Nakakapanghinayang bata pa pero laspag na ng jowa. Tsk.”

Ang sagot ng dalaga sa kanya, “I don’t want to mind comments but this is so rude. I’m in a happy, loving relationship with a very respectful person and would prefer we not be referred to this way. Thank you.”

Nagpasalamat naman ang recording artist sa lahat ng mga nagpahayag ng suporta at nagtanggol sa relasyon nila kanyang boyfriend, pati na rin sa mga friends niya sa showbiz na nagpakita ng pagmamahal sa kanya.

“Love to everyone giving support in my DMs and also love to the lurky haters. Hehe. Being a neg is tiring! Try kindness! Good night!” sey ni Leila.

Sa mga hindi pa nakakaalam, dalawang taon nang nagde-date sina Leila at Curtismith, o Mito Fabie sa tunay na buhay. Nagkakilala sila sa pamamagitan ng ilang common friends sa music industry.

Chika ni Leila, “I met him after he already joined Careless music.” Ang tinutukoy ng dalaga ay record label, na pag-aari ni James Reid.

Sinabi rin ng anak ni Ogie na si Curtismith ang unang Pinoy na naging boyfriend niya, “It’s been fun. He’s a really nice guy.”

Sa isang panayam, inamin ni Ogie na hinahayaan lamang niya ang anak na mag-enjoy sa kanyang buhay ngayon at ma-experience ang mga bagay na gusto niyang subukan at kung saan siya magiging masaya. Ngunit palagi naman niya itong pinaaalalahanan sa kanyang limitasyon at responsibilidad bilang adult.

“Hindi na siya bata. Ine-encourage ko siya na lahat ng responsibilidad na sana magampanan niya ay gawin na niya tulad ng pagbabayad ng bills. May sarili siyang checkbook. Hindi na puwedeng ako lahat.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Adult ka na—alam mo na ang tama at mali. Kung magkamali ka, sige, magkamali ka para matuto,” sabi pa ng OPM icon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending