Kim Kardashian nakikipaghiwalay na kay Kanye West | Bandera

Kim Kardashian nakikipaghiwalay na kay Kanye West

|February 20,2021
facebook
share this

Kim Kardashian nakikipaghiwalay na kay Kanye West

- February 20, 2021 - 04:50 PM

Kim Kardashia Kanye West

Si Kim Kardashian at Kanye West (Reuters)

LOS ANGELES — Naghain ng petisyon ng pakikipaghiwalay ang reality star at negosyanteng si Kim Kardashian  sa rapper na si Kanye West matapos ang may pitong taon nilang pagsasama bilang mag-asawa.

Isinumite ni Kardashian, 40, ang mga papeles ng pakikipagdiborsyo sa Los Angeles Superior Court kasunod ng ilang buwan na maugong na tsismis na lumugso na ang pagsasama ng dalawa.

Ayon sa sources ng celebrity website na TMZ, maayos naman ang paghihiwalay at hinihiling ni Kardashian na magkaroon sila ng magkatuwang na kustodiya sa kanilang apat na anak. Hindi pa batid ang dahilan ng paghihiwalay.

Ilang sources na malapit kay West ang nagsabi na tinanggap na ng “Jesus Walks” rapper ang katotohanan.

“He knew it was coming, but that doesn’t make it any easier,” ayon sa source sa panayam ng People. “This is a somber day for him.”

Ang paghahain ng diborsyo ay naganap matapos ang ilang buwang bali-balita na hindi na maganda ang takbo ng samahan nina West at Kardashian.

Si Kardashian, na nakilala sa reality TV series na “Keeping Up with the Kardashians,” ay nagpakasal kay West, 43, noong Mayo 2014. Kilala bilang “Kimye”, sila ay isa sa paboritong celebrity couples sa Hollywood.

Ang hindi pangkaraniwang relasyon ng dalawa ay nagsimulang magkalamat nang si West, na may bipolar disorder, ay tumakbo sa ilalim ng Birthday Party sa pagkapangulo ng America noong 2020. May mga pahayag siyang kakaiba at di nagtutugma-tugma.

Noong Hulyo, humingi ng pang-unawa si Kardashian sa kalagayan ni West na aniya ay nakikipagbuno sa suliranin nito sa mental health matapos na sabihin ng rapper sa tweet na ilang buwan na niyang gustong makipaghiwalay.

Lalupang lumabo ang kanilang relasyon nang piliin ng  21-time Grammy winner na magtigil sa kanyang rancho sa Wyoming habang si Kardashian ay nanatili sa kanilang mansyon sa Calabasas sa Los Angeles.

Iniulat ng TMZ na ang mag-asawa ay may prenuptial agreement.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kapwa bilyonaryo sina Kardashian at West.

Mula sa ulat ng Reuters

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending