Kitkat nagpaplano raw idemanda si Janno dahil sa nangyari sa taping ng 'Happy Time'

Kitkat nagpaplano raw idemanda si Janno dahil sa nangyari sa taping ng ‘Happy Time’

Reggee Bonoan |February 20,2021
share this

Kitkat nagpaplano raw idemanda si Janno dahil sa nangyari sa taping ng ‘Happy Time’

Reggee Bonoan | February 20,2021 - 12:42 PM

Nagulat ang mga contestants ng noontime show na Happy Time ng NET 25 nitong Huwebes ng gabi habang nagte-taping sa studio ng Eagle Broadcasting Corporation.

Ayon sa balitang nakarating sa amin, ilang beses umanong minura ni Janno Gibbs ang co-host niya sa show na si Kitkat Favia.

Akala ng mga taong nakasaksi sa taping ay prank lang iyon ni Janno pero nang ibato na nito ang mikropono at saka umalis ay doon na nila napagtanto na mukhang totoo nga ang eksena. Nang lingunin na nila si Kitkat ay naiiyak na ito pero pinipilit pa rin daw ngumiti.

Naroon ang balladeer na si Marco Sison dahil guest siya sa “Kantanungan segment” na isa rin sa nakakita sa ginawa ni Janno na inakala rin niyang prank.

Kuwento sa amin ng isang taong nasa taping, “Ang dating po sa amin ay napikon po si Janno kasi naunahan siyang makuha ‘yung scarf ng team ni Marco sa Kantanungan na game. Tapos nagalit na kung ano-ano na sinabi. Si Marco po ang kalaban niya, si Kitkat po siya ‘yung nagho-host.

“Sabi ni Janno na kinakampihan ni Kitkat sina Marco at team niya. Tapos kapag may sinasabi na si Kitkat, pinapahiya na ni Janno, binabara ganu’n. Nakita po namin naiiyak na si Kitkat.

“Rehearsal pa lang ‘yun nang umalis na si Janno. Hindi na bumalik. Si Kitkat mag-isang nag host, wala na siya kasama.

“Nu’ng umalis si Janno, doon lang nakita ni Marco totoo pala niyakap niya si Kitkat may sinasabi si Kitkat kay Marco hindi namin narinig. Grabe pala si Janno, napatol sa babae, minumura babae.”

Tinanong namin kung anong sabi ni Anjo Yllana na isa rin sa host ng Happy Time.

“Wala po si Anjo, eh. Hindi namin nakita (sabay tanong sa kasama). Wala nga po si Anjo,” sagot sa amin.

Kaagad naming pinadalhan ng mensahe si Kitkat tungkol dito pero hindi kami sinagot. Sinubukan ulit naming i-text nitong Biyernes pero dedma pa rin na nakakataka dahil kapag may tanong kami ay kaagad namang sumasagot.

Ngayong Sabado habang sinusulat namin ang balitang ito ay hindi pa rin kami binabalikan ng Happy Time host.

At heto na, may tumawag sa amin na staff ng abogadong tinawagan ni Kitkat at nagtatanong kung anong kaso ang puwede niyang isampa kay Janno dahil sa pamamahiya sa kanya sa harap ng maraming tao.

Nabanggit pa ng staff na may pinagdadaanan ngayon si Kitkat dahil bukod sa namatayan daw sila at hindi siya nakadalo sa libing dahil inuna ang trabaho tapos ganu’n pa ang nangyari.

Hindi raw muna sasagot ng mga tawag at text messages si Kitkat base na rin sa payo ng abogado niya.

Bukas ang BANDERA para sa magiging paliwanag ni Janno Gibbs at sa production head ng Happy Time tungkol sa isyung ito. Agad naming ilalabas ang kanilang official statement.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending