Bugoy, EJ ibinandera ang kissing TikTok video: O, sa mga basher d'yan wag nang bitter, 2021 na! | Bandera

Bugoy, EJ ibinandera ang kissing TikTok video: O, sa mga basher d’yan wag nang bitter, 2021 na!

Ervin Santiago |February 19,2021
facebook
share this

Bugoy, EJ ibinandera ang kissing TikTok video: O, sa mga basher d’yan wag nang bitter, 2021 na!

Ervin Santiago - February 19, 2021 - 09:39 AM

BAGO pa man makatikim ng pamba-bash at pang-ookray mula sa mga haters sa social media, inunahan na sila ng dating child star na si Bugoy Carino.

Nag-post kasi sa Instagram ang batang ama ng kissing video nila ng kanyang girlfriend na si EJ Laure, isa sa kilalang volleyball player ng University of Santo Tomas.

Isa itong “cheesy” TikTok dance video na kanyang ginawa para sa nanay ng kanyang anak bilang regalo na rin niya nitong nagdaang Valentine’s Day.

Sa nasabing video clip, hinalikan muna ni Bugoy sa labi si EJ bago sumayaw with the hit “Heartbreak Anniversary” ng American R&B artist na si Giveon.

“Post-Valentine dance for you,” ang caption ni Bugoy sa kanyang IG post.

Kasunod nito, nagbigay din siya ng mensahe sa bashers na hanggang ngayon ay hindi pa tanggap ang relationship nila ni EJ.

“O mga basher dyan wag nang bitter HAHAHAHA 2021 na,” hirit ng dating “Goin Bulilit” star sa mga haters na patuloy pa ring nangnenega sa kanyang pamilya.

Ibinandera nina Bugoy at EJ sa publiko na totoong may sarili na silang baby last year (September) matapos magdenay noong mabalitang nabuntis ng batang aktor ang star player ng UST.

Sa isang panayam, ibinahagi ni Bugoy kung paano niya inaalagaan ang anak na si Scarlet at gaano kahirap ang maging tatay sa murang edad.

“Siyempre po nu’ng una, hindi naging madali sa akin. Siyempre kasi hindi ko naman po alam kung paano maging daddy, kung paano alagaan ‘yung baby.

“Pero habang tumatagal, natututunan ko. Kasama ko po ‘yung mama ko, ‘yung family na nag-ga-guide sa akin. Habang tumatagal naman, natututunan ko and mas nagiging madali naman po,” kuwento ni Bugoy.

Nag-iba na rin daw ang priorities niya sa buhay mula noong dumating sa buhay nila si Baby Scarlet, “Mas nag-mature siguro ‘yung pag-iisip ko. Mas iisipin ko na ngayon ‘yung baby ko kaysa sa akin. Siyempre ganun naman po ang mga parents.

“Yung pangarap ko na ngayon siyempre ‘yung magkaroon ng magandang buhay ‘yung mag-ina ko, siyempre magkaroon kami ng bahay,” sey pa niya.

Sabi naman ni EJ, bilib siya sa tapang at paninindigan ng kanyang partner lalo na noong hindi pa sila umaamin sa publiko at inuulan ng kanegahan mula sa bashers.

“Kasi si Bugoy ever since talaga wala siyang paki sa sasabihin ng tao. Nu’ng nagtagal ‘yung relationship namin, parang natutunan ko na ding dedmahin. Hindi ko pinapansin ‘yung mga sinasabi ng ibang tao. Ang importante kung anong meron sa aming dalawa at ‘yung kay baby,” sey ni EJ.

Pahayag naman ni Bugoy, “Sinasabi ko lang, ‘Okay na iyan. Huwag mo na lang pansinin.’ Hindi rin ako nagpapaapekto para siya rin hindi maapektuhan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So sasabihin ko lang sa kanya na huwag na intindihin kasi wala naman magagawa sa atin ‘yun, hindi naman tayo pinapalamon. Parang ganun po ‘yung sinasabi ko sa kanya,” lahad pa ng dating Kapamilya child star.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending