Maui ipatatanggal na next month ang fake boobs: Bumibigat na, tsaka uso na naman ang flat-chested Bandera

Maui ipatatanggal na next month ang fake boobs: Bumibigat na, tsaka uso na naman ang flat-chested

Ervin Santiago |February 18,2021
share this

Maui ipatatanggal na next month ang fake boobs: Bumibigat na, tsaka uso na naman ang flat-chested

Ervin Santiago February 18, 2021 - 02:50 PM

NGAYONG darating na Marso balak nang ipatanggal ng dating Viva Hotbabes na si Maui Taylor ang kanyang breast implants.

Ito ang naging desisyon ng sexy actress dahil bukod sa bumibigat na raw ang kanyang mga dibdib, kailangan na niyang gawin ito pa na rin sa dalawa niyang anak na lalaki.

Aminado si Maui na naging puhunan talaga niya noong nagsisimula pa lang sa mundo ng showbiz ang kanyang breast implants. Ito yung panahong pinasok niya ang paghuhubad sa mga pelikula.

Ngunit napagtanto ng aktres na pwede pa rin siyang magpa-sexy kahit wala na ang kanyang fake boobs.

“Nu’ng time namin po talagang kailangan meron kang enhancements. Pero ngayon, you can be sexy naman po even without that one, e,” ang pahayag ni Maui sa panayam ng “24 Oras” sa GMA.

Dagdag pa ng aktres, hindi na rin siya kumportable dahil nga bumibigat na ang kanyang silicone implants, “Tsaka naiilang na rin ako kapag meron akong eksena na naka-bathing suit ako.

“It’s time to take it down kasi, siyempre, meron akong two boys na pinapalaki na sobrang over protective din sa akin,” chika pa ng isa sa mga hot mama ng local showbiz.

Ibinalita rin niyang next month na siya sasailalim sa surgery (breast implant removal), “Baka po itong March kasi naghahanap lang po ako ng free time sa schedule ko. It needs kasi at least three weeks na healing period.”

Kung noon daw ay itinuturing na isa sa requirements ang pagkakaroon ng malusog na dibdib sa pagiging sexy star, naniniwala si Maui na hindi na ito kailangan ngayon, “Parang hindi na, eh. Ngayon kasi, puwede kang maging sexy kahit flat-chested ka, e. Puwede kang maging sexy kahit wala kang puwet o balakang. Napu-project ng artista iyon.

“Kaya kung ako ang tatanungin nila (mga gustong magpadagdag ng boobs), huwag na. Kasi uso na nga ngayon ang flat-chested, e, hindi na siya big deal talaga,” aniya pa.

Samantala, bibida naman si Maui sa bagong episode ng “Wish Ko Lang” ngayong Sabado with Jon Lucas, Ashley Rivera at Biboy Ramirez.

“Kasambahay na pumasok na isang napaka-experimental na amo played by Jon Lucas. Namasukan po ako sa kanila ang then ‘yung deepest darkest secret nilang mag-asawa ay na-discover ko,” kuwento ni Maui tungkol sa gagampanan niyang karakter.

 

 

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending