Lovi may na-feel na kirot nang mag-record ng Eraserheads song; Winwyn malakas lumafang pero hindi tumataba | Bandera

Lovi may na-feel na kirot nang mag-record ng Eraserheads song; Winwyn malakas lumafang pero hindi tumataba

Ervin Santiago |February 18,2021
facebook
share this

Lovi may na-feel na kirot nang mag-record ng Eraserheads song; Winwyn malakas lumafang pero hindi tumataba

Ervin Santiago - February 18, 2021 - 09:22 AM

NAPA-HASHTAG #SanaAll ang mga netizens nang aminin ni Winwyn Marquez na matindi na rin siyang lumafang ngayon lalo pa’t marami na siyang alam lutuin na paborito niyang pagkain.

May mga pagkakataon daw na talagang napaparami ang kain niya but without the guilt feeling. Pero ang tanong, paano nga ba niya napapanatili ang kanyang fit and fab body na pang-beauty queen pa rin.

“Hanggang ngayon napapakain ako nang marami, since marunong na nga akong magluto and everything else.

“So I just try to double time lang talaga pagwo-workout since tapos na rin ang training ko sa basic citizen’s military course. So I have to watch what I’m eating also right now,” ang pahayag ni Winwyn sa panayam ng GMA Regional TV.

Natatawa namang nagkuwento ng Kapuso star tungkol sa ginagawa niyang “magic” sa kanyang mga sexy post sa Instagram, lalo na sa kanyang mga bikini photos.

“Ang tawag diyan, anggulo! char! Magic of anggulo, kailangan marunong ka lang umanggulo,” birong chika ni Winwyn.

Dugtong niya, “Siguro I just want to keep myself active as much as I can. I run or walk kung tinatamad, cross-fit, which is working out, simple workouts won’t hurt, ‘di ba? Ganoon lang, tapos angguluhan niyo na lang nang maayos ‘yung posts tapos okay na ‘yon!”

Kasalukuyang naghahasik ng kanegahan si Winwyn bilang si Trixie Gibbs sa Kapuso primetime series na “Owe My Love”. Siya ang hindi maka-move on na ex-dyowa ng karakter ni Benjamin Alves na si Doc Migs Alcancia.

“What’s fun about my character, it’s not the kontrabida that you see on drama, this is a rom-com, so ‘yung iba siguro, maiirita, magugustuhan dahil quirky siya. It’s new to me because it’s comedy,” lahad ng dalaga.

Dagdag pa niya, “I am just very lucky na ‘yung mga kasama kong komedyante na talagang ang gagaling, tinutulungan din ako kung paano umarte and kung paano tumayming sa mga throw lines namin.”

* * *

Speaking of “Owe My Love”, ang iconic song palang “With a Smile” ng Pinoy rock band na Eraserheads ang napiling theme song nito.

Ginawan ito ng version ng leading lady ng serye na si Lovi Poe. Akmang-akma ang awitin sa rom-com series na kahit may element ng comedy, hatid nito ay pag-asa sa gitna ng mga pagsubok sa buhay.

“Hindi mo maiiwasan na may konting kirot na mararamdaman habang nagre-record ng With a Smile,” share ni Lovi sa kanyang interview with GMA.

“I think it’s a great reminder for everyone na kahit we’re going through a tough situation now at things that have been very challenging for us, lahat naman tayo, puwede nating idaan sa ngiti, and then, there’s always a solution for everything,” aniya pa.

Ang “Owe My Love” ay kuwento ni Sensen Guipit (Lovi) at Doc Migs Alcancia (Benjamin) na may kanya-kanyang life struggles at pagtatagpuin ng tadhana nang dahil sa utang at pera. Talagang kaabang-abang at mukhang nakaka-inspire ang kuwento ng bawat character sa series.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Patok sa viewers at netizens ang serye. Gabi-gabi nga itong umaabot sa trending topics sa social media. Napapanood ito gabi-gabi, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending