Aktres na-bad trip nang malamang nakipaghalikan ang BF na aktor sa katambal na female star | Bandera

Aktres na-bad trip nang malamang nakipaghalikan ang BF na aktor sa katambal na female star

Reggee Bonoan - February 16, 2021 - 05:57 PM

NANGANGANIB ang relasyon ng magkasintahang aktor at aktres na limang taon nang nagsasama dahil lang sa selos na umabot na nga sa kaalaman ng kanilang management company.

Ang aktres ay abala sa kanyang TV show habang si aktor naman ay may ginagawang pelikula na ang mga kasama ay mga baguhan.

Nagsama na sa isang pelikula ang magkarelasyon at kumita ito ng malaki kaya naman super alaga sila ng kanilang talent management dahil isa sila sa money maker ng kumpanya.
Noong wala pang COVID-19 pandemic ay madalas naming nakakatsikahan ang aktres dahil kaliwa’t kanan ang presscon nito sa rami ng projects niya at natatanong kung selosa siya. Aniya, hindi naman daw dahil may tiwala siya sa boyfriend niyang aktor.

Gayun din naman si aktor, wala raw dahilan para magselos siya dahil sigurado na sila sa isa’t isa.

Anyway, pinagselosan ni aktres ang leading lady ng boyfriend niyang aktor dahil matindi ang kissing scene pala sa pelikula na ikinagulat naman ng huli.

Hindi kasi sinasabi ni aktor na may kissing scene sila ng leading lady niya kaya laking gulat niya nang malaman ito ng karelasyon niyang aktres.

Ang tsika, habang kinukunan ang eksenang halikan ni aktor at ng leading lady niya ay may kumuha ng larawan at ipinadala sa aktres.

Nabaliw si aktres at hayun talagang tinalakan niya to the max si aktor na nagpaliwanag naman agad pero hindi nakinig ang kanyang dyowa.

Tumawag si aktres sa management company nila at umiiyak na ikinuwento ang tungkol sa mga kissing scene ng boyfriend niyang aktor.

Nalaman ito ng producer ng pelikula at hindi siya pumayag na tanggalin ang kissing scenes dahil katwiran niya ay pumayag naman ang aktor saka wala namang pakialam ang producer sa relasyon ng aktor at ng aktres.

Sa kasalukuyan ay hindi pa gaanong okay ang celebrity couple pero  nasabi nga ng aktor na trabaho lang ang lahat kaya dapat intindihin ng girlfriend niya.

Sa kabilang banda ay mukhang tinamaan nga si aktor sa leading lady niya dahil dati pagkatapos ng mga eksena niya ay umaalis na siya para makipagkita sa girlfriend na aktres o kaya uuwi na ng bahay para magpahinga.
Pero dahil lock-in shoot sila at maagang natatapos ay tumatambay muna ang aktor sa tsikahan kasama ang staff at leading lady niya na mukhang type rin siya dahil ‘yung ibang kasamang artista ay nasa kani-kanilang mga kuwarto na.

Baka naman kasi may nararamdaman ang aktres sa aktor kaya siguro super selos ito at ipinarating sa management nila ang problema nilang magdyowa.

* * *

Dalawang eviction ang nangyari sa PBB Connect noong Araw ng mga Puso at lumabas sa Bahay ni Kuya sina Gail Banawis ng New York at Alyssa Exala ng Australia.
Tulad sa mga nakalipas na eviction, bumaha ang luha sa loob ng bahay ni Kuya dahil sa pagpaalam ng dalawang housemates na napalapit na rin sa kanila.
Nakakuha si  Gail ng 7.42% ng pinagsamang Kumu at text votes, habang -1.26% lamang ang natanggap ni Alyssa. Muli namang nakaligtas si Ella Cayabyab na may 23.22%.

Kahit tumaas ang emosyon sa bahay ni Kuya kagabi, naging matatag ang Sing-ternational Survivor ng New York at ang Alluring Accountant ng Australia sa kanilang pagbabalik sa outside world.
Ani Gail, lahat ng housemates ay may “special place” sa kanyang puso, pero si Ralph ang “kumakatok sa puso niya ngayon.”

Para naman kay Alyssa, si Kuya ang pinakamami-miss niya at tinawag ang kanyang karanasan sa PBB bilang “best two months” ng kanyang buhay.
Samantala, damang-dama naman ni Kuya ang pagmamahal ng Kumunity dahil nakalikom ang PBB Connect ng 105 milyong diamonds para sa Online Bahay Ni Kuya, kung saan ang top two aspiring houseguests ay makakatira sa PBB.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nakilala na ang Online Big 4 na sina Christian Bahaya ng Davao del Sur, Welwel Silvestre ng Mandaluyong City, Russco Jarviña ng Makati City, at Kriztien Allan Muldong ng Malaysia na sasabak sa huling hamon ni Kuya.

Tutukan ang PBB Connect, 10 p.m. mula Lunes hanggang Sabado sa A2Z channel 11, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at ABS-CBN Entertainment Channel.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending