Viral hugot video nina Joshua at Julia walang script: Kaya ang sakit-sakit…
“WALANG script ‘yun,” ang nabanggit sa amin tungkol sa viral music video nina Joshua Garcia at Julia Barretto para sa awiting “Paubaya” ni Moira dela Torre.
Umabot na sa mahigit ng 11 million views ang nasabing video mula nang i-upload ito sa YouTube nitong Peb. 14.
Hindi scripted ang mga sinabi ng JoshLia sa isa’t isa kaya naman pala ang sakit-sakit dahil iyon talaga ang nilalaman ng kanilang mga puso na pati pagtulo ng luha ay hindi inarte lang.
Kinunan ang music video noong Enero 28 at umamin si Julia na “taken” na siya noong Enero 11 kaya ito ang closure ng dalawa na hindi nila nasabi pa sa isa’t isa noong naghiwalay sila ng 2019.
Ito rin ang hinihintay ng publiko, ang closure ng JoshLia kasi nga wala naman silang sinabing dahilan kung bakit sila naghiwalay maliban sa na-link ang aktres kay Gerald Anderson.
Bilang ordinaryong taong napanood ang “Paubaya” music video ng JoshLia ay tingin namin ay mahal pa nila ang isa’t isa pero sabi nga gusto ni Josh na maging masaya ang dating katipan kaya ipinaubaya na niya at alagaan.
Since maganda ang feedback ng nasabing video at aminin natin maraming nabitin kaya puwede itong gawing pelikula ng Star Cinema at Viva Films since Viva Artists Agency talent si Julia at si Antoinette Jadaone ang direktor since siya naman ang unang direktor ng JoshLia sa pelikulang “Love You to the Stars and Back” noong 2017.
Anyway, sa tingin namin ay mas bagay pa ring loveteam o mag-partner sa pelikula sina Joshua at Julia at kitang-kita iyon sa music video kaya sana muli silang makagawa ng pelikula soon.
At dahil hiwalay naman na talaga ang dalawa ay puwedeng palabasin na kaya nakipaghiwalay ang aktres ay dahil may iba siyang pupuntahan kahit na hindi happy ending, kakagatin pa rin ito ng publiko dahil nasabing sila sa JoshLia tandem.
Any comment Star Cinema at Viva Films? How about direk Tonette?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.