Kailan na-feel ni Carmina na si Zoren na ang the one: Noong nawala siya, nang mag-break kami
NA-REALIZE ni Carmina Villarroel na si Zoren Legaspi na nga ang kanyang “the one” noong magkahiwalay sila at ilang buwang hindi nagkita.
Ayon sa Kapuso TV host-actress, napatunayan niyang mahal na mahal niya si Zoren nang mawala ang aktor sa buhay niya.
Nagkaaminan ng feelings ang mag-asawa sa nakaraang Valentine’s Day special ng “Sarap, ‘Di Ba? Bahay Edition.” Dito nagbigay sila ng ilang mga detalye tungkol sa kanilang love story.
Tinanong sila ng kanilang mga anak na sina Mavy at Cassy about their love story at isa nga sa mga sinagot nila ay kung kailan nila nalaman na nahanap na nila ang “the one” sa isa’t isa.
Unang sumagot si Carmina, “Noong nawala siya. Noong nag-break kami ni Zoren for a while, doon ko na-realize na ‘oh my gosh! He’s the one.'”
Kuwento naman ni Zoren sa break-up nila noon ni Carmina, “Matagal na, e. Natatandaan ko nag-break kami. Pero never kasi kami naging mag-on. Never kami naging boyfriend and girlfriend.”
Singit ni Carmina, “Wala kaming boyfriend and girlfriend stage. Wala siyang ligawan stage.”
“Parang bestfriend chuchu,” dugtong naman ni Zoren.
Sumunod na tanong ni Mavy sa kanyang parents, ano ang isang memory na nais nilang i-treasure forever sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa?
Tugon ni Carmina, “’Yun yung having both of you in our lives and then we were in the States pa so parang kami talagang dalawa.
“Kami lang talagang dalawa; wala kaming choice kung hindi to take care of you and to look out for each other,” aniya pa.
Sa Amerika kasi nanirahan noon sina Carmina at Zoren at iniwan ang kanilang showbiz career dito sa Pilipinas. Doon sila pansamantalang namalagi pagkatapos ipinanganak sina Mavy at Cassy.
Sey pa ng Kapuso actress, talagang pinatatag ng naging buhay nila sa US ang relasyon at pagsasama nila ni Zoren. Doon din nila unang naranasan ang lahat ng hirap at sakripisyo bilang magulang nina Mavy at Cassy.
“Kaya siguro naging well bonded kami ni Tatay because ibang klase din ‘yung pinagdaanan namin sa Amerika.
“I’m not saying that it’s all hardships, of course may paghihirap. That’s what makes our relationship e,” pahayag pa ni Carmina.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.