Erich nag-effort para sa b-day surprise kay Kris, kinuntsaba si Bimby | Bandera

Erich nag-effort para sa b-day surprise kay Kris, kinuntsaba si Bimby

Reggee Bonoan |February 15,2021
facebook
share this

Erich nag-effort para sa b-day surprise kay Kris, kinuntsaba si Bimby

Reggee Bonoan - February 15, 2021 - 10:54 AM

MAHIGIT isang taon na palang hindi nagkikita sina Kris Aquino at Erich Gonzales dahil simula nu’ng nagka-COVID-19 pandemic ay hindi na sila nabigyan ng pagkakataon na mag-bonding.

Pero nagkakatawagan at nagkukumustahan naman sila, pati ang mga anak ng Queen of Social Media ay nakakausap din ni Erich.

At sa bisperas ng kaarawan ni Kris (Feb. 14) ay hindi nakalimot si Erich dahil kinuntsaba pa niya si Bimby na darating sila ng make-up artist at kaibigang si RB Chanco para isorpresa ang TV host.

“We are going to surprise the Queen of All Media, Ms. Kris Aquino at exactly today, 11PM,” say ni RB.

Sabi naman ni Erich, “Isu-surprise po natin si Ate. Ha-hahaha! O, baka kami ang ma-surprise. Let’s not expect. No expectations, no disappointments.

Si Bimb alam na we’re coming. Pag tulog na (si Kris), si Bimb na lang (kausapin). Pag tulog na si ate Kris, we can chika with Bimb.”

Pagdating nila sa condo unit nina Kris ay nakaabang na si Bimb. Tuwang-tuwa si Erich dahil ang tangkad na raw ng binatilyo at kinarga pa siya.

Ang huli pala nilang pagkikita ay nu’ng bumiyahe sila sa Japan noong Hulyo, 2019 base sa YouTube channel ng dalaga na may titulong “Japan Trip with the Aquinos.”

As expected tulog na raw si Kris sabi ng anak. Sa tanong ni Erich kung ano ang wish ni Bimb sa mama niya, “I want her to be happy and everything.”

Hirit ng dalaga, “How about lovelife?”

“Sir Boy (Abunda)?” balik-tanong ni Bimby dahil inintriga nga ng aktres ang mama niya.

Pero sinagot pa rin ng bunso ni Kris ang tanong, “Okay lang. If it makes her happy then I’m happy, di ba?  Simple lang ang buhay just be happy for the person who’s happy who you loved.  Be happy for the person who’s happy.”

Inihanda na nila ang cake at bouquet of pink roses na paboritong kulay ng rosas ni Kris. Si Bimb ang may hawak ng cake with candle at si Erich naman ang may hawak ng mga bulaklak.

Dinatnan nilang tulog na tulog si Kris na nakabalot ng kumot at naka-sleep mask pa. Hinipan ang kandila sa cake at sinabihan ng “I miss you” si Erich.

“Wake up na, you’re so pretty naman kahit tulog, oh my,” sabi pa ng dalaga.

At ipinakita rin ni Erich ang maraming bulaklak na nasa salas ng ate Kris niya, “To Ate Kris, happy, happy birthday, thank you for such being a good friend, sister and sometimes stage mother you know I love you very much, you can always count on me kahit anopaman ‘yan, I’m always be here for you, Bimb and Kuya Josh (sabay flying kiss).  Cheers golden girl.”

“Hi, I woke up, she (Erich) woke me up and because it’s my birthday and I love her and she made effort so I woke up. I love you and we missed her. Ilang years nating hindi nami-miss ang special occasions in our lives, o pandemic or no pandemic,” saad ni Kris.

“Woke up like this oh (sabay tutok kay Kris ng camera), iba talaga, totoo sleeping beauty. May nagsabi kanina sleeping beauty siya (tawa naman nang tawa ang mama ni Bimb),” sabi ni Erich.

“Hindi, my God mukha akong multo, wala akong dugo,” nakatawa namang sabi ni Kris.

Ayaw nitong sabihin kung ano ang birthday wish niya dahil hindi pa nangyayari at pag nangyari na ay saka niya raw ito ibo-broadcast.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nago nagpaalamanan sina Erich at Kris ay binati ng huli ang manonood sa video ng “Happy Valentine.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending