Khalil namahagi ng regalo sa mga pasyente ng PCMC; fans pipili ng mga bida sa BL series na 'Pa-Mine Pare' | Bandera

Khalil namahagi ng regalo sa mga pasyente ng PCMC; fans pipili ng mga bida sa BL series na ‘Pa-Mine Pare’

Ervin Santiago - February 14, 2021 - 10:20 AM

NAG-SHARE ng kanyang blessings ang Kapuso singer-actor na si Khalil Ramos sa Philippine Children’s Medical Center o PCMC.

Kahit tapos na ang kanyang kaarawan, inihabol pa rin ng binata ang kanyang tulong at suporta para sa mga kababayan nating nangangailangan at sa mga bayaning frontliners na naka-assign sa PCMC at patuloy na naglalaan ng kanilang buhay para sa mga Filipino ngayong panahon ng pandemya.

Isa talaga ito sa mga plano ni Khalil para sa kanyang 25th birthday (last Jan. 22) ngunit ngayon lamang niya naisakatuparan sa tulong na rin ng ilang taong malapit sa kanyang puso.

Nagbigay si Khalil ng meals, toys, sling bags, pouches, face masks, face shields at iba pang mga pangunahing pangangailangan ng mga pasyente sa PCMC.

Ang mga ito ay ite-turnover sa mga doctor ng PCMC at ang mga regalong inihanda ni Khalil ay ibabahagi naman sa mga pasyente mula sa inpatient at outpatient departments.

Kung matatandaan, ipinagdiwang ni Khalil ang kanyang 25th birthday sa pamamagitan ng day-trip sa The Farm at San Benito kasama ang kanyang girlfriend na si Gabbi Garcia.

Sa kanyang Instagram page, nagbahagi pa ang Kapuso actress ng kanyang birthday message para sa kanyang “Bub” na si Khalil.

“It’s my love’s birthday today! Happy happy birthday, Bub! I’m so happy to have you not only as my partner, but as my bestest friend ever. Your laugh and smile will forever warm my heart (Even tho you have the silliest laugh, pls swipe left to verify HAHA),” bahagi ng caption ng dalaga sa kanyang IG post.

Sinabi rin ni Kapuso actress-TV host na itinuturing niyang isa sa mga “greatest blessing” sa kanyang buhay si Khalil. Kasabay nito, nag-promise rin siya na susuportahan niya ang boyfriend sa lahat ng ginagawa nito.

“But really, you are one the greatest blessings life has ever given me. Know that I will always support you, and I’ll always be by your side even if you bully me all the time haha.

“That’s a promise ️here’s to more coffee, games, food trips, and life adventures with you! I love you sobra! happy birthday bubs!” ang super sweet pang message ni Gabbi sa kanyang boyfriend.

* * *

Nasa kamay na ng fans kung sinong Star Hunt at Star Magic actors ang bibida sa pinakabagong handog ng “PILIkula” mula sa ABS-CBN, Kumu, YouTube at KTX.PH, ang BL (Boys’ Love) show na “Pa-Mine: Pare.”

Hanggang Peb. 21, maaaring bumoto ang fans sa KUMU at KTX.PH kung sino kina Gian Wang, Eian Rances, Shoichi Oka, Tan Roncal, at Ali Abinal ng Star Hunt at Star Magic ang magdadala ng kilig.

Matutunghayan sa “Pa-Mine Pare!” ang kwento ng dalawang binata, sina Anton at Davie, na matagal nang matalik na magkaibian at business partners.

Pero dahil sa isang halik, magbabago ang kanilang paningin sa isa’t isa at mas makikilala nila ang kanilang mga sarili.

Sa mga hindi pa sigurado kung sino ang kanilang iboboto, maaari namang panoorin ang live streams ng apat na binata sa KUMU.

Kasama ang “PILIKula” sa humahabang listahan ng digital content ng OKS (Online Kapamilya Shows). Isa lang ang “PILIkula” sa marami nang nilikha ng ABS-CBN TV Digital Group.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mula noong 2020, gumagawa na ang TVDG ng iba’t ibang content para sa mga Kapamilyang online tulad ng  iWant Original na “TNT Boys,”“Trip to Quiapo” at “Hush,” ang online anthology show na “Stay At Home Stories”, ang interactive show na “PILIkula”, ang digital documentary na “Persona: Jake Zyrus”, ang online reality show na “Starkada Battle,” at ang online celebrity search na “Ultimate Bida Star.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending