Mga sinehan, tourist attraction papayagan nang magbukas sa mga lugar na nasa GCQ | Bandera

Mga sinehan, tourist attraction papayagan nang magbukas sa mga lugar na nasa GCQ

- February 13, 2021 - 07:59 PM

Papayagan nang magbukas ang mga sinehan, museum, mga tourist attractions gaya ng theme parks at iba pang negosyo sa mga lugar na nasa ilalim ng  general community quarantine (GCQ), ayon sa Malacañang.

Sa pahayag noong Biyernes, sinabi ni  presidential spokesperson Harry Roque na pinahintulutan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang mga sumusunod:

  • Mga sinehan, video at interactive-game arcades
  • Libraries, archives, museums, at mga cultural center
  • Meetings, conferences at exhibitions
  • Limitadong social events sa mga accredited na establisyemento ng Department of Tourism
  • Limitadong tourist attractions, gaya ng park, theme park, natural sites at historical landmarks
  • Driving schools

“Yes, para po sa GCQ areas po ito. Dahil sa MGCQ, talaga naman pong 50 percent capacity ‘yung mga ganyang negosyo,” wika ni Roque.

Nilinaw niya na may mga alituntunin na dapat sundin ang mga ito para masiguradong ligtas ang kanilang operasyon.

“It is subject to the final guidelines to be issued nga po ng ating DOH [Department of Health] at ng ating mga local government units. At ang effectivity po nito and I understand magkakaroon na naman ng guidelines, will be the 15th of February,” wika ni Roque.

“Sigurado po ‘yan, nandyan ‘yung social distancing, nandyan kung ano ‘yung isusuot na mga nanonood ng sine,” pagliwanag niya patungkol sa mga  health protocols na susundin sa mga sinehan.

Nagluwag din ang IATF sa mga restriksyon nito sa mga pagtitipon kaugnay sa relihiyon sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ mula sa dating 30 porsyento na kapasidad tungo sa  50 porsyento na kapasidad mula Pebrero 15.

Ipinaliwanag ni Roque na ang konsiderasyon sa likod ng desiyong ito ng IATF ay ang bumubuting kalagayan ng bansa kaugnay sa pandemya.

“‘Yung mga nabuksan po nating industriya, marami pong nagtrtrabaho dyan na matagal nang walang hanapbuhay, ngayon po makakapag hanapbuhay na sila muli,” he added.

Mula sa ulat ni Krissy Aguilar, INQUIRER.net
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending