Jackie super thank you kay Karla sa pagiging 'surrogate' kina Andre at Kobe | Bandera

Jackie super thank you kay Karla sa pagiging ‘surrogate’ kina Andre at Kobe

Ervin Santiago |February 10,2021
facebook
share this

Jackie super thank you kay Karla sa pagiging ‘surrogate’ kina Andre at Kobe

Ervin Santiago - February 10, 2021 - 09:42 AM

TODO ang pasasalamat ng hindi na aktibong aktres na si Jackie Forster sa kaibigan niyang si Karla Estrada.

Ibinandera sa madlang pipol ng dating partner ni Benjie Paras ang mga nagawang kabutihan sa kanya ng nanay ni Daniel Padilla

Sa pamamagitan ng Instagram, pinasalamatan ni Jackie si Karla sa pagtulong sa kanya sa pagtingin at pag-aalaga sa dalawa niyang anak na sina Andre at Kobe habang wala siya sa tabi ng mga bagets.

Nag-share si Jackie ng isang video clip sa IG kung saan makikita ang bonding moments nina Andre at Kobe kasama ang kanilang Tita Karla na tinawag pa nga niyang  “surrogate mother.”

Ang caption na isinulat ni Jackie sa kanyang post, “This is an appreciation post. I have nothing else to share at the moment, so I want to express gratitude for your friendship @karlaestrada1121.

“Ang dami mo na nga alaga and now you are acting as my surrogate. Thank you for helping me watch over my two big babies. I love you soooo much! And yes, I would do it for you too. This is why you are so blessed!” pahayag pa ng mommy nina Andre at Kobe.

Sumagot naman ang TV host-actress sa appreciation post ng kaibigan kasabay ng pagpuri kina Andre at Kobe bilang masisipag at mabubuting mga anak.

“Anytime! My dream is to have 50 children! Love your kids, they are Good boys. Relax ka lang dyan and be safe. See you soon. Love you,” comment ni Karla.

Bukod sa dalawang anak niya kay Benjie Paras, may tatlo pa siyang anak sa kanyang Dutch businessman husband na si Michel Franken — sina Jared, Caleigh at Yohan.

                                 * * *

Patuloy ang pagbukas ng ABS-CBN ng daan para sa mga kabataang nangagarap na maging Kapamilya star sa panibagong edisyon ng online talent competition nitong “Bida Star Gandang Naturally Fresh.”

Maaaring sumali ang Filipino citizens na may edad na 18 hanggang 25, marunong magsalita ng Filipino, at may kakayahang ipakita ang kanilang #GandangNaturallyFresh pagdating sa aktingan at personalidad, hanggang Peb. 12.

Lahat ng interesadong sumali ay kailangang mag-submit ng one-minute video sa KUMU kung saan kanilang dapat ibahagi ang kwento kung paano nabago ng isang desisyon ang kanilang buhay na dapat tawaging #GandangNaturallyFresh.

Matatagpuan ang mga detalye ng audition sa bit.ly/BidaStarAudition.

Nagsimula ang search noong Peb. 1 at nakalikom na ito ng libo-libong audition pero 50 lang ang mapipili para mag-advance sa susunod na round.

Bongga naman ang premyong matatanggap ng Ultimate Bida Star, kasama dito ang ABS-CBN management contract, Eskinol Talent Contract, Star Magic Workshop, sariling digital show, tsansa na makasama ang ilang Kapamilya stars sa isang digital film, at P50,000.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending