Buhay ni Beth Tamayo nalagay sa panganib kaya lumayas ng Pinas; kung anu-anong trabaho ang pinasok sa US | Bandera

Buhay ni Beth Tamayo nalagay sa panganib kaya lumayas ng Pinas; kung anu-anong trabaho ang pinasok sa US

Ervin Santiago - February 07, 2021 - 09:23 AM

NAPILITANG lisanin ng aktres na si Beth Tamayo ang Pilipinas at manirahan na lang muna sa Amerika dahil sa banta sa buhay nilang mag-asawa.

May konek sa usaping pera ang naging desisyon ni Beth na iwan na ang buhay niya rito sa bansa pati na rin ang kanyang showbiz career kesa naman may mangyari pa sa kanilang masama.

Inalala ni Beth ang mga tagpong iyon sa buhay niya nang makachikahan si Paolo Contis sa digital talkshow na “Just In” at idinetalye kung paano ang naging buhay niya sa Amerika sa gitna ng pag-aalala sa mga iniwan niya sa Pinas.

“Hindi naman natin idedenay ‘yan. It’s been in the news or whatever, my ex-husband before had a problem, financial problem,” simulang pag-amin ni Beth.

Marami na raw kasing naghahabol sa asawa niya nang dahil sa kinasangkutan nilang issue sa pera at feeling ni Beth nasa peligro na raw noon ang kanilang buhay.

“So, parang ang dami na ng taong naghahabol sa kaniya and parang our lives are actually in danger na so we had to leave. We had to leave in 2009,” pahayag ng aktres.

Nang makarating na sa Amerika, parang nagsimula uli siya sa kanyang buhay dahil walang-wala sila nang umalis sa Pilipinas. Napilitan siyang pasukin doon ang iba’t ibang uri ng trabaho.

Aniya, talagang doon niya napatunayan na “struggle is real” dahil wala naman siyang alam na ibang trabaho noon kundi ang pag-arte sa harap ng kamera na naging buhay na niya mula pa noong 13 years old siya.

Kuwento ni Beth, ang unang naging work niya sa Amerika ay ang pagiging yaya, “Ang hirap magsimula from nowhere. Buti na lang kamo pinilit ko matapos ‘yung college degree ko.

“I had a bachelor’s degree so that’s one thing. Kahit saan ka magpunta, it will help you in a way in looking for a job. Although hindi rin naman madali,” pahayag ng aktres.

At dahil hindi sapat ang kinikita niya sa pag-aalaga ng bata, humanap pa siya ng isa pang work.

“Magtatrabaho ako ng 8 in the morning until 5 p.m. sa office and then tatakbo ako sa second job ko because I have a 6 in the evening up to closing which is sometimes 12-midnight sa restaurant,” kuwento pa ni Beth na kilala rin bilang isa sa mga BFF ni Judy Ann Santos.

Kinalaunan, nagustuhan na niya ang buhay sa Amerika kaya hanggang ngayon ay naroon pa rin siya at patuloy na nakikipagsapalaran.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tungkol naman sa asawa niya, kung matatandaan, may mga lumabas na balita noon na nagkahiwalay din sila hanggang sa makilala niya si Adam Hutchinson na kamakailan nga ay nag-propose na rin sa kanya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending