'Ex' ni Luis pinagselosan ni Jessy; nag-walkout sa Jojowain o Totropahin challenge | Bandera

‘Ex’ ni Luis pinagselosan ni Jessy; nag-walkout sa Jojowain o Totropahin challenge

Ervin Santiago |February 07,2021
facebook
share this

‘Ex’ ni Luis pinagselosan ni Jessy; nag-walkout sa Jojowain o Totropahin challenge

Ervin Santiago - February 07, 2021 - 09:15 AM

“SANA buo pa ‘yung relationship namin pagkatapos nito!” Yan ang hirit ng TV host-actor na si Luis Manzano nang sumabak sila ni Jessy Mendiola sa “Jojowain o Totropahin” challenge.

Bentang-benta nga sa mga netizens ang latest vlog ng engaged couple kung saan nga mapapanood ang nakakaaliw na batuhan nila ng punchlines sa “Jojowain o Totropahin” challenge with a twist.

Sa isang bahagi kasi ng video, “nag-walkout” pa si Jessy nang mabanggit ang pangalan ng umano’y ex-girlfriend ni Luis kung saan sumagot nga ang TV host-comedian ng “jojowain”

“Ito, merong level 2. Level 1 yung Jojowain o Totropahin tapos sa Level 2 naman Pagseselosan o Dededmahin. First time namin gagawin ‘to,” simulang pahayag ni Jessy.

“At sana buo pa ‘yung relationship namin pagkatapos nito,” hirit naman ni Luis.

Ilan sa mga nabanggit na female celebrities sa first round ay sina Maja Salvador, Bea Alonzo, Bela Padilla, at ang sikat na sikat na Korean actress na si Song Hye Kyo (bidang babae sa Descendants of The Sun).

Sa mga male celebrities naman ipinakita sina Alden Richards, Enchong Dee, Jake Cuenca, ang Hollywood superstar na si Zac Efron at ang kilalang Korean actor na si Gong Yoo.

Hanggang sa mapag-usapan na nga ang “ex” ni Luis habang nagpapatuloy ang challenge. Tanong ni Jessy kay Luis, “So ano nga, jojowain o totropahin?”

“Eh, naging jowa nga. Eh ‘di siyempre ‘yun na rin ‘yun. Paano ko totropahin ‘yun kung naging jowa ko nga. Hindi nga maganda ‘yung breakup,” diin ng binata.

“Eh, akala ko ba ex mo na? Eh, bakit mo pa jojowain ulit?” sey naman ni Jessy. Hirit pa niya kay sa kanyang fiancé, “May nakita akong picture niya sa phone mo dati ‘di ba, nung nagsisimula pa lang ‘yung relationship natin.”

Sagot naman ni Luis, “Hindi ko nabura, nakapatong siya doon sa maraming mga pics. So pagka-scroll scroll ko, nakita ko lang. Eh, ‘di sorry. ‘Di ba ganu’n lang naman ‘yun. Kakasal na tayo, ‘wag na nga ‘yung mga ganyan. Okay? Peace.”

“Ayoko na,” sabi naman ni Jessy na bigla ngang tumayo at kunwari’y  nag-walkout.

At nang i-reveal na nga ng dalawa kung sino ang tinutukoy na “ex” ni Luis, siguradong naloka ang mga viewers dahil ang pinagtatalunan pala nila ay ang American actress na si Jennifer Lawrence na type na type pala ng binata.

“Ang kapal ng mukha nito! Jennifer Lawrence. Hindi, pero seryoso, si Jennifer Lawrence, crush talaga niya.

“May time talaga na pinagselosan ko si Jennifer Lawrence, kasi nu’ng nakita ko sa phone niya puro pictures niya talaga.

“So every time we watch her movies, or nakikita namin siya sa TV, ginaganu’n ko siya (tinatapik sa balikat), ‘Uy crush mo, oh.’ Pangarap lang niya na naging jowa niya si Jennifer Lawrence, pero asa ka, boy?” sey ni Jessy.

Samantala, sa round 2 naman ng challenge, inamin ni Luis na posible siyang magselos kay Zanjoe Marudo, sa Korean actor na si Hyun Bin at sa American celebrity na si Jamie Dornan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sabi naman ni Jessy pwede niyang pagselosan sina Yam Concepcion, Kylie Verzosa at ang American actress na si Dakota Johnson.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending