Mark ready nang magpuyat bilang daddy ni Baby Corky; pati Kapuso stars naaadik sa 'Lost Recipe' | Bandera

Mark ready nang magpuyat bilang daddy ni Baby Corky; pati Kapuso stars naaadik sa ‘Lost Recipe’

Ervin Santiago - February 03, 2021 - 09:06 AM

NAG-UUMAPAW ang kaligayahan sa puso ng Kapuso couple na sina Mark Herras at Nicole Donesa sa pagdating ng kanilang firstborn.

Nanganak si Nicole noong Linggo, Enero 31 at agad nga nilang ipinakilala sa buong mundo ang panganay nilang anak na pinangalanan nilang Mark Fernando Donesa Herras o Baby Corky.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ng Kapuso actor-dancer ang litrato ng kanyang mag-ina at binati si Nicole sa maayos at ligtas na pagsisilang sa kanilang anak.

“Hi I’m Corky. Wassaap!! Very good job mameeeh!!!” ang caption ni Mark sa kanyang IG post. Aniya, may bigat na 7.3 pounds at haba na 53 cm ang bagong silang na sanggol.

Sa isa pa niyang IG post, ibinahagi ni Mark ang kakaibang sayang nararamdaman kasabay ng pasasalamat sa Diyos at sa lahat ng mga bumati sa pagsilang ni Baby Corky.

“Thank you, Lord, dahil healthy ang bibiboy namin. Simula na ng mga sleepless nights pero worth it naman kasi ang tagal naming hinintay si Corky,” ani Mark.

Dagdag pa niya, bubusugin nila ni Nicole ng pagmamahal ang panganay na anak, “At dahil andito ka na ngayon, gagawin namin ni mammeeh lahat para sa’yo! Mahal na mahal ka namin Corky to infinity and beyond.”

Bumuhos nga ang suporta at well wishes sa comments section ng Kapuso performer.

Kabilang sa mga bumati sina Mark Bautista, Shaira Diaz, Boobay, Gabby Eigenmann at marami pang iba na malalapit nilang kaibigan sa industriya.

                         * * *

Hindi na talaga nagpapaawat ang karisma ng “The Lost Recipe” dahil maging ang mga Kapuso stars at ibang showbiz personalities ay hindi mapigilang mapabilib at sumubaybay GMA News TV series na pinagbibidahan ng mga kaibigan nilang sina Mikee Quintos at Kelvin Miranda.

Isa na nga sa mga ito si Benjamin Alves na sa trailer palang ng fantasy-romance series ay manghang-mangha na, “Kudos to The Lost Recipe – the cinematography is amazing!” aniya.

Pati ang batikang direktor na si Direk Jose Javier Reyes ay nagpahayag rin ng paghanga sa programa. Ayon sa kanya, “This is the best GMA pilot I have seen for the longest time.”

Consistent pa rin sa pangunguna sa Philippine top trending topics ang The Lost Recipe. Maganda rin ang mga review sa serye ng GMA Public Affairs. Maging sa ratings game ay patuloy ang pag-arangkada nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napapanood ang “The Lost Recipe” araw-araw, 8:00 p.m., sa GMA News TV.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending