Mga hugot nina Coco at Angelica sa 'Love Or Money" patok sa netizens: Balikan mo ako 'pag mayaman ka na! | Bandera

Mga hugot nina Coco at Angelica sa ‘Love Or Money" patok sa netizens: Balikan mo ako ‘pag mayaman ka na!

Reggee Bonoan - February 02, 2021 - 06:08 PM

CURIOUS kami kung walang daya ang laplapan at love scene nina Coco Martin at Angelica Panganiban sa upcoming movie nilang “Love Or Money” na idinirek ni Mae Cruz-Alviar para sa Star Cinema.

O, baka naman may double sila dahil medyo madilim ang kuha base sa trailer na inilabas kagabi sa YouTube channel ng ABS-CBN Star Cinema.

Natatawa kami habang pinananood namin ang teaser na suma-shot sila ng alak sa isang bar at umiiyak na sabi ng aktres ng, “Ayoko na, ayoko na, ang sakit (habang nakatingin sa kanya si Coco)!”

Muling nagsalin si Angelica ng alak at sabay toast sila ni Coco na nadadala na rin sa pag-iyak ng aktres.

“Ayoko nang masaktan, ayoko nang maloko, ayoko nang magmukhang tanga, ayoko nang magmahal, ayoko na,” sabi ni Angge kay Coco.

“Sabi mo lang ‘yan pero sigurado ako magmamahal ka ulit,” saad naman ng aktor.

Hirit ng aktres, “Bakit nakakain ba natin ang pagmamahal na ‘yan? Nasasaing ba natin, hindi naman, ah?”

“Ang pera napagtatrabahuan ‘yun, ang pagmamahal minsan lang dumarating sa buhay natin,” katwiran ni Coco.
“Money can buy happiness,” ganting sagot ng dalaga.

“Pero hindi napapakasalan ang pera,” sabi naman ng binata. “Alam mo ganu’n ako (kapag may pera na) kapag nakuha mo na ako, iyong-iyo na ako.”

Sabay tayo ni Angelica dahil magbabanyo pero lumuhod kaagad sa kanya si Coco at nag-propose na ang sagot ng dalaga, “Balikan mo ako kapag mayaman ka na.”

Isa-isa naming binasa ang komento ng mga nakapanood ng teaser at iisa ang sabi nila, panonoorin daw nila ang pelikula dahil naaliw sa eksenang yun nina Coco at Angelica.

Pinuri rin nila si direk Mae, “Second movie of direk Mae Cruz Alviar in this pandemic (emoji hearts).”

Oo nga naman dahil kasagsagan ng pandemic nang gawin niya ang “Four Sisters Before The Wedding”. Ayon sa direktor kaya raw siya gumawa ng movie ngayong pandemic ay para magkaroon ng work ang team niya.

Comment ni @Garry Lasaga, “Congratulations Star Cinema! Another movie worth watching!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napansin naman ni @you gal, “May chemistry si Angge at Cardo in fairness! hahahahaha.”
Say ni @Dragonh Gaming Productions, “Si Martha at Cardo ito ah.” Na ang tinutukoy ay ang karakter ni Angelica nang mag-guest sa “FPJ’s Ang Probinsyano” bilang isang drug mule.

Sa Marso 12 na mapapanood ang “Love Or Money” sa KTX.ph at sana nga at maipalabas na rin ito sa mga sinehan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending