Ilang fans ni Nadine Lustre galit na galit kay Yam Concepcion
ANO kaya ang problema ng ilang supporters ni Nadine Lustre at galit na galit sila kay Yam Concepcion?
Marami kasi ang biglang nag-react sa panayam namin dati kay Yam sa “Viva Vision 2020” event at thanksgiving party para sa press na ginanap sa Novotel, Araneta Center Quezon City noong Enero 29, 2020.
Bukod sa mahigit isang taon na ang nakararaan ay wala rin namang masamang sinabi si Yam sa panayam sa kanya ng media tungkol kay Nadine na sumentro sa pag-alis ng aktres sa Viva Artists Agency.
Ang sinabi lang ng aktres na isa ring Viva talent na kung ano ‘yung nasa kontrata at napag-usapan ay iyon dapat ang sundin bukod pa sa dapat marunong lumingon kung sino ang naging dahilan para makilala ka.
Pero hindi tanggap ng supporters ni Nadine ang katwirang ito ni Yam, wala raw kasing alam ang huli sa mga pinagdaanan ng kanilang idolo kaya hindi raw ito dapat nagsasalita ng ganu’n.
Aminado naman si Yam na wala siyang alam sa usapan ng Viva at ni Nadine, ang kanya lang ay kung ano ang nakasaad sa kontrata niya ay yun ang sinusunod niya.
Sa kasalukuyan ay walang project si Nadine dahil choice niyang hindi tumanggap at okay naman daw siya base sa isang panayam.
Samantalang si Yam naman ay nakatapos na ng isang serye (Love Thy Woman) noong nakaraang taon na sinyut habang may pandemic at ngayon ay may bago ulit siyang drama series, ang “Init sa Magdamag” kasama sina JM de Guzman at Gerald Anderson na ipalalabas ngayong unang quarter ng 2021.
Naisip namin, baka nami-miss lang ng mga supporter niya si Nadine kaya sila nag-iingay at gusto lang nila uling mapag-usapan ang dalaga para hindi ito mawala sa limelight.
* * *
Halos lahat ng Pilipino o 80% ay pabor na makabalik sa ere ang ABS-CBN, ayon sa isang mobile-app survey ng WR Numero Research.
Isinagawa ang naturang survey mula Enero 11 hanggang 15, o ilang araw matapos ihain ni Senate President Tito Sotto ang isang panukala para mabigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN.
Sa mga sang-ayon na ibalik ang Kapamilya network sa ere, karamihan o 60% sa kanila ay strongly in favor, o lubos na sumasang-ayon na muling manumbalik ang broadcast operations nito.
Samantala, maliit lamang na porsiyento o 11% ang kontra, habang 8% naman ang hindi sigurado. Nasa 5,000 tao sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang lumahok sa survey na layuning sukatin ang suporta ng mga Pilipino sa maraming panawagan na bigyan ng bagong prangkisa ang Kapamilya network.
Kabilang sa mga mambabatas na agad umaksyon ngayong taon para ibalik ang ABS-CBN sa ere sina House Deputy Speaker Vilma Santos at Camarines Sur 3rd District Rep. Gabriel Bordado.
Hindi nalalayo ang naging resulta ng survey ng WR Numero Research sa 2020 SWS (Social Weather Stations) survey, kung saan 75% naman ng mga Pilipino ang sang-ayon na bigyan ng bagong prangkisa ang Kapamilya network.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.