Mas maraming Pinoy ang gumagamit ngayon ng internet; Presyo ng mobile data ‘mas mura’ pa rin sa Pilipinas vs Thailand | Bandera

Mas maraming Pinoy ang gumagamit ngayon ng internet; Presyo ng mobile data ‘mas mura’ pa rin sa Pilipinas vs Thailand

- February 02, 2021 - 12:09 PM

Minadali ng pandemya ang pagyakap ng bansa sa tinatawag na ‘digital transition’. Para mapigil ang pagkalat ng virus, nagpatupad ng mga lockdown na siyang naglilimita sa paggalaw kaya’t marami ang gumamit ng teknolohiya para makapag-aral, makapag-trabaho, at magampanan pa rin ang pang-araw araw na gawain.

Sa Enero 21 briefing ng DICT sa estado ng internet sa bansa, sinabi ni Presidential Spokesman Sec. Harry Roque na hinahangad ng bansa na mapantayan ang Vietnam at Thailand, mga bansang maganda ang kaledad ng internet.

Ayon sa Digital 2020 report ng social media analytics firm WeAreSocial, mas marami ang internet users sa Pilpinas – nasa 73 milyon kumpara sa 68 milyon ng Vietnam at 52 milyon ng Thailand.

Kung ikukumpara ang mga popular na offer ng mga market leader sa Asia-Pacific, mula sa buwan ng Hulyo hanggang Setyembre 2020, nasa USD 3.32 ang ginagastos ng mga Pinoy kada buwan para sa tawag, text at mobile data. Mas malaki ang inilalaan ng mga Pinoy para rito, kung ikukumpara sa mga taga-Vietnam na USD 1.4.

Ang “data” ang ginagamit para maka-konek sa internet at makapag-Facebook, YouTube at iba pa.

Mahal ba ang internet dito?

Lumalabas sa datos, na mas mura pa rin ang Pilipinas kung ikukumpara sa Thailand. Ang halaga ng 1 GB mobile data para sa prepaid sa bansa, nasa USD 0.24 habang USD 0.63 sa Thailand.

Dahil mas marami ang internet users, mahalaga ang pagkakaruon ng mga cell site para mapabuti ang koneksyon.

Kung mas marami ang tore o cell site, lalaki ang ‘bandwidth’ at lalawak ang coverage. Ibig sabihin, gaganda at bibilis ang koneksyon at internet experience.

Base sa Nobyembre 2020 report ng TowerXchange, nasa 17,850 ang bilang ng mga cell tower sa Pilipinas, malayo sa 90,000 ng Vietnam at 52,483 sa Thailand.

Dahil mas kaunti ang bilang ng mga tore, mas marami ang mga internet user na gumagamit sa isang tore kaya’t apektado nito ang bilis ng serbisyo. Nasa 4,090 ang tinatawag na “tower density” sa bansa, malayo sa 756 ng Vietnam, at 991 ng Thailand.

Ito ang dahilan kung bakit ang internet mobile download speed ay nasa 22.5 mbps lang, at 34.51 mbps sa Vietnam, at 51.75 mbps sa Thailand ayon sa Speedtest® Global Index ng Ookla®.

Para sa fixed wireline, ang average download speed sa bansa – nasa 31.44 mbps, halos kalahati lang ng 60.88 mbps sa Vietnam at Thailand na nasa 308.35 mbps. Ipinapakita lang nito na ang mabagal na pag-isyu ng mga permit dati, tulad ng pagbibigay ng ‘right of way’ para sa home broadband ay naka-apekto sa stado ng internet sa bansa.

“Globe has earmarked capital expenditure of Php 70 Billion for 2021, and expects to add 2,000 new sites by the end of 2021,” said Ernest Cu, Globe President and CEO.

Ambisyon ng Globe na makapagbigay ng #1stWorldNetwork para sa mga customer nito. At para mapabuti ang internet service nito, gumagamit ng makabagong teknolohiya ang Globe tulad ng 4G LTE at 5G para makapagbigay ng ‘high speed internet’.

Hinihikayat na rin ng Globe ang mga customers nitong gumagamit pa rin ng 3G SIMs at mga device, na palitan na ito ng 4G LTE SIMs para mas gumanda at bumilis ang ‘internet experience’.

Globe rin ang nagtala ng pinakamaraming naitayong bagong cell tower nung 2020, at magtuloy tuloy ang agresibong pagpapaganda ng network nito ngayong taon. Para masolusyunan din ang home connectivity, binibilisan na rin ng Globe ang ‘fiber rollouts’ para maserbisyuhan ang mga customer nito.

Ayon kay NTC Commissioner Gamaliel Cordoba, para makasabay ang Pilipinas sa ibang bansa, kailangan gumastos ng gobyerno para sa imprastraktura ng ICT tulad ng pagpapatupad ng nabinbin na National Broadband Plan.

“Iyong mga nangunguna po na bansa sa atin, grabe po ang ginagastos ng gobyerno para sa kanilang infrastructure network,” NTC Commissioner Gamaliel Cordoba said in a live briefing with Secretary Harry Roque.

Ayon sa NTC, ang gobyerno ng Vietnam gumastos na ng USD 820 million para sa ICT infrastructure nito, at gobyerno ng Thailand nasa USD 343 million.

Sinusuportahan ng Globe ang United Nations Sustainable Development Goals, partikular ang UN SDG No. 9 na nagbibigay importansya sa papel ng imprastraktura at innovation para lumago ang ekonomiya.

Ipinapangako ng Globe na itataguyod nito ang 10 United Nations Global Compact principles at ang 10 UN SDGs.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending