Mimiyuuuh kinontra ang original idea ni Kean para sa una niyang kanta: Hindi yan yung gusto ko... | Bandera

Mimiyuuuh kinontra ang original idea ni Kean para sa una niyang kanta: Hindi yan yung gusto ko…

Ervin Santiago - February 02, 2021 - 12:09 PM

ALAM n’yo bang inayawan ng sikat na YouTuber at internet sensation na si Mimiyuuuh ang original idea ni Kean Cipriano para sa debut single niyang “Drink Your Water Bitch.”

Isa na rin kasi ngayong recording artist si Mimiyuuuh at contract artist ng OC Records na pag-aari ni Kean at ng asawa niyang si Chynna Ortaleza.

Mismong ang frontman ng bandang Callalily ang nagkuwento kung paano tumanggi ang vlogger sa unang plano niya para sa pagri-release ng first single nito.

Nu’ng una ay nagdadalawang-isip si Mimiyuuuh na pasukin na rin ang music scene dahil daw napakataas ng respeto niya sa OPM. Pero nakumbinsi nga siya nina Kean at Chynna na subukan muna bago siya umayaw.

“Alam n’yo po, sobrang happy po ako to be collaborating and working po with OC Records kasi sobrang open po talaga nila to a lot of suggestions. At the same time, parang mas nire-respect nila ‘yung ano mo, ‘yung vision mo ba sa song,” pahayag ni Mimiyuuuh sa isang panayam.

Sabi naman ni Kean, “I was thinking Mimiyuuuh is an internet sensation and on the mainstream side of things, ‘di ba? So, sabi ko, ‘Sige, gawa ako ng demo.’ Pero ‘yung ginawa kong demo, very pop, very parang mainstream approach. Tapos nu’ng ibinigay ko sa kanya, sabi niya, ‘Kean, hindi ito ‘yung gusto kong mangyari.’

“Natuwa lang ako kasi nu’ng sinabi niya na ‘Ay, hindi ‘yan ‘yung gusto ko,’ positive sa akin, eh. Tinake ko siya positively. Sabi ko, ‘Uy, gusto ko na hindi niya gusto kasi ibig sabihin alam nu’ng artist kung ano ‘yung gusto niyang mangyari.”

Sey naman ni Chynna, “Nakakatuwa kasi Mimi’s really genuine. So nu’ng sinasabi niya nga sa amin kung ano ‘yung gusto niyang maging like first single, natuwa ako na sinasabi niya na ‘I actually want to honor my roots. Kung ano ‘yung pinapakinggan ko nu’ng bata ako, gusto ko makagawa ako ng track na ganu’n.’ So that’s how we came up with ‘Drink Your Water Bitch.'”

Pahayag naman ni Mimiyuuuh  about her song, “Sobrang refreshing po kasi parang nae-express ko po ‘yung creativity ko in a lot of ways, like singing, making tracks, making lyrics. At the same time, nagba-vlog po. And parang ‘yun nga po, I really don’t underestimate myself. Feeling ko po kaya ko lahat

“Dapat ganu’n ang mindset lahat ng kabataan ngayon. Dapat kaya mo lahat. Never ever underestimate yourself,” aniya pa.

Pagpapatuloy pa niya, “I never stop learning po. So parang may mga bagay right now na pumapatok kasi nga po very Mimi, pero ako po I don’t settle for less. Parang I want more, I want to grow pa po. So I think, let’s see in the future baka po ‘di ba umiyak-iyak na po ako, hindi na po ako nagpapatawa sa vlog.”

Ito naman ang message niya sa mga kabataang tulad niya na patuloy na nangangarap magkaroon ng magandang career at magtagumpay din sa buhay, “Basta alam niyo lang, just be you. But you know ‘yung mga critic naman talaga diyan, hindi naman po talaga mawawala, you know what I’m saying.

“So parang may mga critic po na negative and may mga critic po na positive. So ikaw na po ang bahala kung saan ka magfo-focus ‘di ba. Kung magfo-focus ka po sa mga negativity, parang it will just hinder you from creating what you really want.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So ‘di ba, just focus on yourself. Focus doon sa positive comments and all, and you know, just be you ‘di ba. I-unleash mo ‘yung creativity mo. Ang mahalaga dapat ma-appreciate mo muna ‘yung sarili mong art bago ka ma-appreciate ng ibang tao,” pahayag pa ng YouTuber na recording artist na rin ngayon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending