Mark ipinakilala na ang anak nila ni Nicole: Hi I'm Corky. Wassaap!? Very good job Mammeeeh! | Bandera

Mark ipinakilala na ang anak nila ni Nicole: Hi I’m Corky. Wassaap!? Very good job Mammeeeh!

Ervin Santiago - February 01, 2021 - 11:00 AM

NANGANAK na kahapon ang Kapuso actress na si Nicole Donesa sa first baby nila ni Mark Herras.

Pinangalanan nila ang panganay na anak ng Mark Fernando Donesa Herras o Baby Corky.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ng Kapuso actor-dancer ang litrato ng kanyang mag-ina at binati si Nicole sa maayos at ligtas na pagsisilang sa kanilang anak.

“Hi I’m Corky. Wassaap!! Very good job mameeeh!!!” ang caption ni Mark sa kanyang IG post. Aniya, may bigat na 7.3 pounds at haba na 53 cm ang bagong silang na sanggol.

Nag-share rin si Nicole ng ilang photo sa kanyang Instagram Story kung saan makikita si Mark na kalong ang kanilang baby. “Guess what?” ang maikling caption niya rito.

May isa namang IG Story ang aktres na nagpapakita kay Mark na nakatingin kay Baby Corky habang karga ng isa nilang kaanak na may suot na face mask. May caption itong, “Thank you Lord.”

Bumuhos naman ang pagbati sa social media accounts ng Kapuso couple at winelkam si Baby Corky, kabilang na riyan sina Rocco Nacino, Rochelle Pangilinan, Direk Mark Reyes, Joross Gamboa, Drew Arellano, Yasmien Kurdi at marami pang iba.

Ilang araw bago manganak si Nicole, ibinahagi pa ng engaged couple sa publiko ang ginawa nilang preparasyon para sa pagsilang ng kanilang baby.

Sabi ni Mark, super excited na siya sa paglabas ni Baby Corky kasabay ng mensahe niya para kay Nicole, “Itchy I love you!! Alam ko nahihirapan –kapagod, puyat–pero malakas ka naman, my itchy at mamaya lang kasama na natin si Corky!! Love you!!!! Konting tiis na lang my love.”

Mapapanood din sa isa nilang vlog ang mga naging kaganapan bago manganak si Nicole, kabilang na riyan ang pagsailalim nila sa RT-PCR or Real-Time Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction test para sa COVID-19 bago sila pumunta sa ospital.

Nagsimula ang love story nina Mark at Nicole nang magkasama sa GMA afternoon series na “Bihag.” Kinumpirma nila ang kanilang relasyon noong August, 2019 at nag-propose naman si Mark noong June, 2020. Ibinandera naman nila ang balita na buntis na si Nicole noong September, 2020.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending