Miyembro ng PNP-HPG, arestado dahil sa umano’y pangingikil
Arestado ang isang miyembro ng Philippine National Police Highway Patrol Group (PNP-HPG) dahil sa umano’y pangingikil.
Sa isinumiteng ulat kay PNP Chief Debold Sinas, nakilala ni Integrity and Monitoring Enforcement Group (IMEG) Chief Col. Thomas Frias Jr. ang suspek na si PSSg Marlon De Dios Salim.
Nakatalaga si Salim sa RHPU-NCR SLEX, Sub-Office.
Nahuli ang suspek sa ikinasang entrapment operation ng mga tauhan ng PNP-IMEG sa SLEX matapos tumanggap ng P2,000 dusted money mula sa isa sa mga biktima kapalit ng pag-release ng Traffic Accident Investigation Report para sa accident insurance.
Sa ngayon, si Salim ay nasa kustodiya na ng IMEG habang hinihintay ang kasong kriminal at administratibo laban sa kanya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.