Meg Imperial inatake ng depresyon nang tawaging plastik; ‘Sana All’ ipalalabas na sa sinehan
BONGGA ang sexy at drama actress na si Meg Imperial pagkatapos mag-showing last week ang pelikula niyang “Steal”, ipalalabas naman next week ang isa pa niyang movie.
Ito ay ang “Sana All” na mula rin sa Viva Films at BluArt Productions na parehong idinirek ni Bona Fajardo.
Mapapanood ito sa mga sinehan simula sa Feb. 5 na sakop ng mga lugar na nasa modified enhanced community quarantine. Noong March 25, 2020 pa sana ito ipinalabas pero inabutan nga ng community quarantine.
Inamin ni Meg sa ginanap na virtual mediacon ng “Sana All” kamakailan na naapektuhan siya pati na ang buong production sa pagkaka-postpone ng pagpapalabas ng movie nila.
“Siyempre, na-sad din kami for a while na hindi agad maiso-showing. But we’re thankful na rin dahil sa lahat ng films naman, kailangan ng perfect timing, and I think this is the best time.
“It’s a feel-good film na mae-enjoy ng mga taong nag-stay for long sa mga bahay nila,” sey ng aktres.
Of course, may kaba ring nararamdaman si Meg sa pagpapalabas sa sinehan ng movie nila ni Arvic Tan dahil sa patuloy pa ring banta ng COVID-19 pandemic pero aniya, magandang test ito sa pagbabalik ng mga tao sa sinehan sa panahon ng new normal.
Samantala, proud namang ipinagmalaki nina Meg at Arvic ang kanilang pelikula lalo na ang magagandang lugar na ipinakita sa pelikula, lalo na ang mga eksena nilang kinunan sa Benguet.
Sa tanong naman kung hindi ba sila na-develop ni Arvic habang ginagawa nila ang movie, wala raw ganu’n. E, kasi nga, may non-showbiz boyfriend na si Meg.
“Ever since naman nu’ng ni-launch ako, nagkakaroon ako ng relationship, but hindi lang ako super open about it ‘coz I want to maintain the privacy.
“Hindi naman po taga-showbiz yung ibang nakarelasyon ko. Sa ngayon, may special someone ako in my life. I’m happy now,” anang aktres.
Samantala, inamin din ni Meg na mas natututunan na niya ngayon ang makihalubilo sa kanyang mga katrabaho hindi tulad noon na talagang nauunahan siya ng pagkamahiyain.
“Every day naman, talagang pinupush ko ’yong sarili ko to wake up early, to have breakfast with them, lunch with them. If magkakaroon man, I’ll always care sa mga katrabaho ko.
“Talagang hindi lang namin iniisip ’yong sarili namin. That’s what I’m trying to do, not to be selfish and try to bond talaga and understand them,” aniya.
“Marami akong nagiging kaibigan now sa industry, unlike before na very kaunti lang mga friends ko, piling-pili lang dahil nga sobrang reserved ako,” dagdag ng dalaga.
May mga pagkakataon daw noon na hindi naiintindihan ng mga katrabaho niya ang kanyang ugali kaya may mga nagsasabi ng masasama laban sa kanya.
“And that caused me depression before ’cause they thought that dahil reserved ako, I’m not being true to myself, I’m being plastic. But, truth is mahiyain lang ako before talaga and ’di lang talaga ako sanay na mag-start ng conversation,” paliwanag ni Meg.
Kasama rin sa “Sana All” sina Andrew Muhlach, Pio Balbuena ay Lita Loresca, sa direksyon ni Bona Fajardo at palabas na sa Feb. 5. Mapapanood din ito soon sa digital streaming platform na Vivamax.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.