Bandera "One on One": Jake Cuenca | Bandera

Bandera “One on One”: Jake Cuenca

- March 22, 2010 - 01:58 PM

by Ervin Santiago, Showbiz Editor

HALOS pitong taon na pala sa showbiz ang isa sa mga ipinagmamalaking leading men ng ABS-CBN na si Jake Cuenca. Nagsimula si Jake sa GMA 7 sa youth-oriented program na Click, pero matapos ang ilang taon ng pagiging Kapuso, nagdesisyon siyang kumipat sa Kapamilya network kung saan nakilala nga siya bilang isang magaling na aktor.
Nagtuluy-tuloy ang suwerte ni Jake sa ABS-CBN, hindi siya nawawalan ng mga projects simula noong maging Kapamilya siya. Bukod sa mga TV shows, isa rin sa mga credible product endorser ng bansa ang aktor na isang patunay na talagang malayo na ang nararating ng kanyang showbiz career.
Sa pakikipagchikahan ng BANDERA kay Jake, may mga bagay kaming nalaman na tiyak na hindi pa rin alam ng kanyang mga tagasuporta. Isa na diyan ang pagiging buhos niya sa pag-ibig. Kapag daw nagmahal siya talagang todo-todo to the point na nakakalimutan na niya ang ibang priorities niya sa buhay.
At alam n’yo ba na uncle pala niya ang isang dating chairman ng MTRCB?

BANDERA: May time ka pa ba para sa sarili mo ngayong sobrang busy ka na?
JAKE CUENCA: Oo naman, kailangan ‘yun, e. Siyempre, minsan kailangan marunong ka ring mag-relax from a day’s work. Matutuyuan ka ng energy kapag hindi ka nagpahinga.

B: Gumigimik ka pa ba?
JC: Paminsan-minsan na lang with my friends. But sometimes, sa bahay na lang kami nagkikita-kita. Hindi na rin kami lumalabas. Okay na kami sa ganu’n.

B: Mas lalong gumanda ang katawan mo ngayon, sobrang kinakarir mo ang pagiging health buff?
JC: Kailangan, e. Hindi lang naman ito para sa trabaho ko, kundi para na rin sa sarili ko. Lalo na ngayon na usung-uso ang sakit, di ba? So, we really have to be extra careful sa health natin. Mahirap magkasakit ngayon sa panahong ‘to.

B: Totoo bang kaya ganyan kaganda ang katawan mo dahil sa paggamit ng steroids?
JC:  That’s not true. I really work hard sa gym. Kapag may free time ako, diretso na agad ako sa gym at du’n na ako magbababad. And at the same time, I really watch my everyday diet. Wala akong rice, kapag taping, nagbabaon talaga ako ng tatlong de lata ng tuna. Yun lang, okay na ako du’n. Sa bahay naman, nagpapaluto lang ako ng chicken, minsan kapag available yung turkey o isda lang. walang carbs, sobrang kalaban natin ang carbs.

B: Maarte ka ba sa katawan?
JC: Hindi naman maarte, pero maalaga talaga ako sa katawan ko, kahit noong bata pa ako. And I don’t see anything wrong with that. Lalo na sa aming mga artista, kailangan talaga maging conscious ka sa itsura mo. Kailangan lagi kang maayos, para hindi sila ma-disappoint kapag nakita ka na ng mga tao sa personal.

B: Maraming nagsasabi na parang exhibitionist ka na raw dahil sa sobrang daring ng mga pictorials mo? Hindi ba’t pati nga ang billboard mo for Bench binaklas dahil baka marami raw ang maaksidente sa EDSA?
JC: Ganu’n ba? Wala naman akong intensiyong masama sa ginagawa ko. Trabaho ko lang ‘yun, at ginagawa ko lang kung ano ‘yung hinihingi sa akin. Wala naman akong nakikitang masama du’n. Pero kung ‘yun ang tingin nila, I’ll respect that. Pero du’n sa mga naa-appreciate ‘yung mga ginagawa ko, thank you po.

B: Handa ka bang mas maging daring pa?
JC: If you’re asking kung ipapakita ko ba, ayoko namang maging sobrang indecent and show everything! No way naman yun!”

B: Napakagaling mo nang aktor ngayon, saan ka humuhugot ng lalim sa mga role na ginagampanan mo?
JC: Malaki ang naitulong sa akin nu’ng mga pag-attend ko sa mga acting workshops nina direk Joey Reyes, direk Carlos Siguion-Reyna, direk Peque Gallaga at kay direk Gina Alajar. Kung sa paghuhugutan, wala naman masyado, basta ako kasi, kung ano ‘yung role, iniisip ko lang ako talaga ‘yun. Kakalimutan ko muna for a while si Jake Cuenca.

B: Ikaw lang sa pamilya n’yo ang nag-aartista, talaga bang pangarap mo ito noon pa?
JC: Nu’ng bata, wala pa, hindi pa ako masyadong ano sa showbiz, pero nu’ng medyo nagkaisip na ‘ko, parang nagustuhan ko na. Wala talagang artista sa family namin, pero masasabi ko rin namang may kaunting showbiz blood din dahil nga kay tito Manoling Morato (granduncle niya).
(Ang tatay ni Jake na si Juanito Cuenca ay anak ng kapatid ni Manoling na si Elvira Morato).
Pero talagang nahirapan akong kumbinsihin ang parents ko para payagan nila akong mag-artista. Siguro almost a year ko silang niligawan, pinakiusapan ko talaga sila na payagan na ako. Siguro dahil sa kakukulit ko, naisip din nila na this is something I really would love to do, at seryoso ako sa papasukin kong bagong mundo. Ayun, bumigay din sila.
I remember kahit si tito Manoling talagang suportado niya ang pag-aartista ko. Basta ang sinasabi lang niya lagi sa akin, ‘Just be decent, don’t make a fool out of yourself.’

B: Bukod kay Roxanne Guinoo, ilan pa ang naging girlfriends mo?
JC: I had two serious relationships before Roxanne. Yung una, when I was 13 years old, tapos yung second, siguro mga four or five years ago.

B: May tinutulungan ka ring foundation, bakit mo ginagawa ito?
JC: Yes, ito yung CRIBS (Create Responsive Infants By Sharing) Foundation. Actually, dalawang birthday ko nang sila ang kasama ko. Napakasarap ng feeling kapag nakakatulong ka, e. Yung nakakapagpasaya ka ng mga bata. Yung CRIBS kasi may special place na ‘yan sa puso ko. So, talagang ang plan ko, every birthday ko, ise-celebrate ko kasama sila.
“This year, ang plano ko sana, mag-invite ng iba pang artista para mas maging masaya sila. Mga close friends ko lang naman sa showbiz ang iimbitahin ko, and sana mapagbigyan nila ako.

B: May lovelife ka na ba ngayon? Kumusta na kayo ni Melissa Ricks na balitang girlfriend mo na?
JC: Hindi pa. Basta ako slowly but surely. Tsaka sobrang busy niya ngayon, ang dami niyang projects. At ganu’n din naman ako, kaya ine-enjoy lang namin kung ano ang meron kami ngayon. Pero sana, sana, may magandang mangyari this year. At kung dumating ang  lovelife, siyempre, hindi ko tatanggihan yun.

B: Paano ka ba ma-in love?
JC: Sobrang buhos ako pag nagmahal. Kaya sabi ko nga, yun ang tututukan ko, ang maging balanse sa bawat aspect ng buhay ko. Kaya siguro hindi pa ako pumapasok ng bagong relationship kasi aware ako sa mga ganu’n. But you know, one thing about Melissa na gustung-gusto ko, for me, hindi ka makakahanap ng ganu’ng klase ng babae.
Melissa is the type of a friend na laging nandiyan, hindi ka niya iiwan, lalo na kapag alam niyang down ka. At magaling siyang magpangiti ng tao, kapag nandiyan na siya, parang ang ganda-ganda ng paligid mo at ang dami niyang magagandang bagay na nagagawa na kusang lumalabas sa kanya, she’s very natural.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

BANDERA, 032210

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending