Yassi tuluyan nang tsinugi sa Probinsyano; Alyana, Cardo hot topic sa Twitter PH | Bandera

Yassi tuluyan nang tsinugi sa Probinsyano; Alyana, Cardo hot topic sa Twitter PH

Ervin Santiago |January 26,2021
facebook
share this

Yassi tuluyan nang tsinugi sa Probinsyano; Alyana, Cardo hot topic sa Twitter PH

Ervin Santiago - January 26, 2021 - 01:31 PM

NAGING isa sa mga top trending topic sa Twitter Philippines ang pangalan ni Yassi Pressman matapos siyang “patayin” sa seryeng “Ang Probinsyano.”

Hot topic sa social media ang death scene ng Kapamilya actress bilang si Alyana, ang asawa ni Coco Martin na gumaganap namang Cardo Dalisay sa “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Namatay si Alyana matapos tamaan ng bala habang nagpapalitan ng putok ang mga operatiba ng Task Force Aguila at Black Ops.

Nauna rito, pinag-usapan din ang dream sequence sa programa kung saan parehong namatay sina Cardo at Alyana. Pero sa ending nga ng nasabing episode, si Alyana lang ang nasawi.

“Dahil sa ‘yo, nagkaroon ako ng napakakulay na buhay. Ikaw ‘yung kumumpleto ng buhay ko. Wala na akong ibang hihilingin pa,” ang bahagi ng huling pamamaalam ni Alyana kay Cardo.

“Cardo, patawarin mo ako kung wala akong nagawa para iligtas kayo. Patawarin mo aka sa lahat ng mga pagkukulang ko.

“Patawarin mo sana ako kung nagkasala ako sa ‘yo, kung naging marupok ako..Cardo, magpapaalam na ako,” ang duguan pang mensahe ni Alyana sa kanyang asawa.

Pagkatapos na pagkatapos ng nasabing eksena, humataw na sa Twitter ang mga hashtag na “#FPJAP5HabangBuhay” “Cardo” at “Alyana”.

Limang taon nang namamayagpag sa ere ang “Probinsyano” ni Coco at wala pa rin sinumang makapagsasabi kung kailan matatapos ang serye.

* * *

Pagkakataon nang maiparating ng mga manonood ng MYX Philippines ang espesyal na mensahe para sa kanilang minamahal sa nalalapit na Valentine’s Day sa special segment nitong “Love on MYX” na eere sa Peb. 14.

Para sa mga nagdadalawang-isip sa pagpaplano ng engrandeng Valentine’s Day surprise para sa mga karelasyon nila dahil sa pandemya, pwedeng mag-request ng music video at magpahatid ng mensahe sa “Love on MYX” na mapapanood sa araw ng mga puso.

Pwede ring magparamdam ng pag-ibig, umamin sa crush, magpahayag ng pagsisisi sa ‘the one that got away,’ o mag-spread ng love sa pagti-tweet gamit ang hashtag na #LoveOnMYX na ire-retweet ng @MYXphilippines account.

Sa mga interesadong magpadala ng music video requests para sa Valentine’s special na “Love on MYX,” sagutan lang ang form na ito: bit.ly/LoveOnMYX2021.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ipagsigawan na ang pagmamahal mo sa iyong special someone sa #LoveOnMYX! Mapapanood ang MYX sa SKYcable channel 23.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending